Home Katropa Rumoronda Lechon Festival isasagawa sa Bayan ng Pandi

Lechon Festival isasagawa sa Bayan ng Pandi

127
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

PANDI, Bulacan — Magkakaroon ng Lechon Festival laban sa African Swine Flu (ASF) sa Bayan ng Pandi, upang ipagbigay alam sa madla na malinis at ligtas kainin ang mga baboy sa naturang bayan. Isang daang baboy ang lilitsunin sa nasabing okasyon at ito ay gaganapin sa Covered Court ng Barangay San Roque sa nasabing bayan sa Martes (Oct. 8)

Ayon kay Mayor Rico Roque ang planong pagdiriwang ng Lechon Festival ay matagal na nilang pinagbalakan gawin. Ang balak ay tuluyang mangyayari, nang kinakitaan ang isang piggery farm sa Brgy. Baka-Bakahan na ayon kay Roque, ay positibo sa ASF. Dahil dito ang reklamo ng may-ari ng farm ay naisa-telebisyon, kung saan ito ay umani ng pansin ng balana.

“Binigyan naman sila ng luwag ng Department of Agriculture (DA) na pwede silang magpa-‘test’ ng kanilang mga alaga ng mga baboy nila doon. ‘One week apart,’ kapag nag-‘negative’ sila ‘the following week’ pwede na silang maglabas, ‘provided’ na may ‘permit na cleared’ ng ASF ang kanilang baboy,” ayon pa sa alkalde.

Dahil sa pagsasa-telebisyon ng isyung ASF sa nasabing lugar, ay ikinalungkot ni Roque,” nasasakitan ako na para sa mga nakararaming ‘farm owners’ ng bayang ito. Kasi hindi sila ‘affected,’ hindi sila ‘infected’ ng ASF, pero nangangamba sila na baka wala ng kumuha ng baboy nila dito. Kasi ‘this is an industry,’ alam naman natin ang totoo na napakalaking industriya ng baboy dito sa bayan ng Pandi.

Kailangan proteksiyunan ko din. At hindi lang sila na malalaking ‘farm owners,’ meron din kaming mga ‘backyards’ dito. Sabi ko nga kanina, na-‘imagine’ ba nila ang magiging ‘effect nito?’ Hindi lang sa malalaking industriya kundi doon sa mga backyard.”

“Ang inaasahan ng bawat pamilya dito sa Pandi, mabenta ang baboy na meron sila, para merong pang-matrikula ang mga anak nila. Imaginin ninyo ang ‘implication’ at ang ‘impact effect’ nung ginawang ‘interview’ na pagsasabi na sila lang ang pinupunterya dito. No! Hindi totoo iyun, hindi sila pinupunterya, sila ang hindi nagko-‘comply,’ sambit pa ni Roque.

Dagdag pa ng nasabing Alkalde, ‘ang iniiwasan natin dito ay iyung kumalat pa ang sakit (ASF.) ‘Actually’ kung sila lang hindi nagkaroon ng ‘resistance,’ dapat wala na ito eh. ‘Main problem,’ ‘buyers’ walang pumupunta dito, meron bumibili pero babaratin ka. Sana ang Provincial Government at ang National Government and’yan kayo. Para bigyan ng asiste hindi l;ang iyun maliliit na pamilya or ‘backyard,’ kundi pati na rin malalaking ‘farm Owners,’ kasi namuhunan sila dito. ‘Part’ sila ng industriya at progreso ng bayang ito.

Paano gagawin natin, hahayaan na lang natin sila na datnan ng ASF ang kanilang mga farm? Dapat tulungan natin, iyung mga ‘Slaughter house’ na ayaw tumanggap ng galing ng iba’t ibang farm sa bayan ng Pandi o ibang ‘farms’ sa lalawigan ng Bulacan. Sana maging ‘considerate enough’ naman sila, tanggapin nila ang baboy na nandito.

‘Anyway,’ may ‘permit at clearance’ naman iyan ‘from’ Vet na talagang iyan ay ‘cleared’ sa ASF. Sana kung malinis naman magtulungan tayo. Hindi ito isyu na magkanya-kanya, magdamay-damay, ‘I don’t think’ iyun ang solusyon. Hindi! Dahil pinapatay mo ang industriya sa bayang ito,” bigay diin ni Roque.

“This is an isolated case’ lang ng ASF sa bayan ng Pandi. Para gawin itong napakalaking isyu, na parang lahat ng ‘Farm’ ng buong Pandi ay may ASF. Pangit po!. Malinis at ‘negative ang test’ ng ibang Farms namin dito.

Nandito naman kami para tumulong, hindi kami nandito para mamulitika, 3 buwan palang ako nakakaupo uli, para mamulitika. Ako napakatagal pa iuupo ko dito. Sumusunod pa rin kami sa ‘rules and regulation,’ wala kaming bina-‘violate’ na batas, lahat ng ‘farm owners’ dito ganoon pa rin kung ano ang ‘instruction’ ko.

Kailangan pa rin ninyong magpa-‘test’ uli, kapag kayo ay nag-‘negative’ doon palang kayo maglabas, magkaroon ng ‘clearance.’ Ang ‘testing’ nila ‘every week’ na. dahil sa bilis ng pagkalat ng virus,” patapos ni Mayor Roque. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleOne with Bulakenyo teachers
Next article57 pusher todas, mahigit 1K huli sa droga sa Central Luzon
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here