Home Showbiz Legacy ng Bautista Family pinagpatuloy ni Mayor Bistek

Legacy ng Bautista Family pinagpatuloy ni Mayor Bistek

154
0
SHARE

MAHAL talaga ng Bautista family ang mga entertainment writers.

Imagine every year ay nagbibigay sila ng birthday party sa mga nagse-celebrate ng kaarawan.

Kamakailan ang huli nilang binigyan ng party ay ang buwan ng October, November at December.

Wala si Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista kaya ang kumatawan sa kanya ay ang kapatid na si Harlene Bautista.

Ang pagbibigay ng party sa mga birthday celebrants ay ipinamana ng mga magulang sa kanila. Iyon ang legacy iniwan ng kanilang parents na ipinagpatuloy nila taun-taon.

Dahil sa kabaitan ng Bautista family kaya naman mahal sila ng entertainment press. Kung anumang project ang kanilang ginagawa ay nakasuporta ang manunulat para maipahayag ang kanilang mga proyekto lalung-lalo na at nakaupo si Bistek bilang mayor ng Quezon City.

Tulad ngayong holiday season may entry para sa Metro Manila Film Festival ang kanilang produksiyon, ang “Larawan”.

Pawang magagandang feedback ang nababasa sa naturang pelikula lalo pa at musical film pala eto.

Napakahusay ng mga artistang nagsisiganap, sina Joanna Ampil, Rachel Alejandro at Paulo Avelino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here