Home National News Leptospirosis, hindi lang sa ihi ng daga

Leptospirosis, hindi lang sa ihi ng daga

85
0
SHARE

INIHAYAG kamakailan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi lamang pala sa sa ihi ng daga maaaring makuha ang leptospirosis kundi maging sa ihi rin ng iba pang hayop katulad ng pusa, baboy, kambing at sa kontaminadong putik.

Itong mikrobyong sanhi ng sakit na leptospirosis ay matagal na dito sa mundo. Hindi pa ako ipinapanganak ay nariyan na iyang leptospirosis. Nakagisnan ko na ang sakit na iyan pero awa ng Diyos ay hindi pa ako dinapuan ng sakit na iyan.

Noong araw, ang mga bata ay lumulusong din sa tubig-baha. Dahil mga bata pa kami noon, gustong gusto naming magtampisaw sa tubig-baha, pero wala akong matandaan na may mga kalaro ako na nagkasakit ng leptospirosis.

Kung ang mikrobyong leptospira, na nagiging sanhi ng leptospirosis ay unang naobserbahan noong taong 1907 sa mga taong nagkasakit ng paninilaw at pamamaga ng internal organ na splene o pali hanggang sa pagdaan ng mga dekada ay tinawag nang leptospirosis ang karamdamang nakuha sa mikrobyong leptospira.

Ayon kay Sec Duque, maaari daw na makuha ang naturang sakit sa tubig na kontaminado ng ihi na galing sa mga hayop na impektado ng naturang mikrobyo kaya kahit mawisik lang sa mata ninumang tao ang ang kontaminadong tubig ay maaari silang magkasakit ng leptospirosis.

Samakatuwid mas mabagsik ang leptospira ngayon kaysa leptospira noon? Hindi tayo bacteriologist kaya hindi masasagot ang katanungang iyan. Ang importante ay ang pag-iingat kung panahon ng tag-ulan at may baha.

Ang sugat daw ang siyang pinapasok ng mikrobyo kaya ipinapayo ng DOH na huwag lulusong sa tubig baha ang mga taong may sugat sa kanilang mga paa, binti o sa mga parte ng katawan na maaabot ng tubig-baha.

Doon naman sa mga bata na mahilig maligo sa tubig baha, pag-ingatan huwag makainom ng kontaminadong tubig dahil mahirap magkasakit sa panahon ito. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here