Home Kakampi Ng Masa Let’s Go… Sto. Cristo, para sa tuluy-tuloy na pagbabago

Let’s Go… Sto. Cristo, para sa tuluy-tuloy na pagbabago

1059
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

IPAGPAPATULOY ni Incumbent Barangay Chairman Dennis Cruz ang mga nasimulan na pagbabago ng Brgy. Sto. Cristo, Pulilan Bulacan.

Kung natatandaan ninyo mga kabarangay, simula ng manungkulan si Kapitan Dennis ay una niyang tinapos ang problema ng pagiging redlights district ng nasabing bayan dahil naglipana sa naturang barangay ang mga beerhouse na ginawang tambayan ng mga truck driver tsuper at mga tricycle driver na kadalasa’y pinagmumulan ng away ng isang pamilya dahil laging ubos ang kita.

Barangay Sto. Cristo Chairman Dennis Cruz

Sumunod na winakasan ang Online Sabong ng RRS na iligal umanong pinatatakbo ng isang alyas Roning Santos.

Kung saan ang naging kapalit ng mga usapin na ito ay ang pagkakaroon ng SM Mall na ngayo’y napakikinabangan ng barangay at ng ating mga kababayan.

Malaking kabawasan sa gastos at abala ng ilan nating mga ka-barangay na hindi na kailangan pa na dumayo sa ibang bayan para lamang mag-shopping.

Ilan sa mga ipagpapatuloy ni Kap. Dennis at ng kanyang mga kasama na lingkod ng barangay ang paglalagay ng mga street lights sa madidilim na bahagi ng Sto. Cristo.

Bukod dito ipagpapatuloy rin ang paglalagay ng mga CCTV camera sa palibot ng barangay na naglalayong madokumento ang mga nagaganap lalo na sa mga petty crime tulad ng snatching, holdap at iba pa.

Paiigtingin din ang pagbabantay o Peace and Order sa barangay na naglalayong mapanatili ang kapayapaan.

Sabay-Sabay na nag-file ng kanilang mga Certificate of Candidacy ang mga magiging kaakibat ni incumbent Brgy. Chairman Dennis Cruz para sa tuluy-tuloy na pagbabago ng Sto. Cristo.

Existing ang concreting ng mga roads na pagawain ng barangay kahit pa nakabakasyon tulad ng pot way, drainage system at iba pang aktibidad.

Habang ang paliga ng basketball ay nasimulan na nu’ng May 1.

Para sa inyong reklamo at reaksyon mag-send lang sa thony.arcenal@gmail.com

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here