LGUs na walang ginagawa sa isyu ng basura, dapat kasuhan ng DENR

0
81
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MGA ’igan, kung mapapatunayan na walang ginagawa ang mga Local Government Units (LGUs) sa problema ng masangsang na amoy ng basura sa kanilang mga nasasakupan na lugar, ’eh dapat lang na sila ay makasuhan o masuspinde dahil sa kapabayaan.

Sa halos 24 na bayan kabilang ang tatlong lungsod sa lalawigan ng Bulacan, tila iilan lamang sa kanila ang may malinaw na programa sa perwisyong problema sa basura.

Bagama’t ikinakatuwiran ng mayorya ng mga alkalde na meron daw silang itinayo na Material Recovery Facility (MRF).

Sa isang banda, tama naman ang MRF, ang problema lang hanggang kailan pakikinabangan ang mga naturang tambakan ng basura.

Mahigpit ang batas ng Department of Environment and Natural Resources(DENR) sa ilalim ng Republic Act 9003 or Waste Management Act.

Pero mukhang dedma ang mayorya ng mga alkalde sa lalawigan ng Bulacan na maresolba ang problema sa basura.

Alam naman po ng marami na habang tumatagal ay patuloy na dumarami ang bilang ng tao, ibig sabihin lumalaki rin ang volume ng basura lalo na kung mapapabayaan.. Kaya naman marumi na mabaho pa ang inyong kapaligiran.

Kaya kinakailangan ang long term program or solutions pagdating sa pagkakaroon ng malinis at maayos na environment.

Mga ’igan, pinaka mababang bilang ng isang Class A na bayan ay nasa higit 10 tonelada ang basura kada araw.

Habang sa mga lungsod naman nasa 15 hanggang 20 tonelada ang kanilang mga basura sa bawat araw.

Ang tanong dyan mga ’igan, paano at saan nila itinatapon ang mga basura? Since wala namang malapit na landfill sa probinsya.

Abangan po natin mga kabayan kung sino sa mga alkalde ang maagang makatutugon sa batas na ’yan.

Habang ang iba naman eh! pasimpleng nagtatapon ng basura sa gilid-gilid, habang ang iba naman ay inililibing ang mga basura.

Natatandaan nyo sa bayan ng Bustos ay inililibing ang basura na nabuking ng netizen na napanood pa sa ibat-ibang channel ng television.

At ang umaalingasaw na baho, sa Brgy Longos sa bayan ng Pulilan at ang lumulutang na basura sa ilog ng Angat at sa bayan ng Calumpit habang umaalingasaw rin ang mga MRF sa bayan ng Plaridel at sa iba pang mga bayan.

Anyway, aabangan natin ang mga kilos ng mga LGUs na may malasakit sa kanilang kapaligiran partikular sa kalinisan.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here