Home Top Story Libreng Gamutan handog ni Vice Mayor Bautista para sa mga Angateño

Libreng Gamutan handog ni Vice Mayor Bautista para sa mga Angateño

47
0
SHARE

KAALINSABAY sa pagdiriwang ng kaarawan ni Vice Mayor Jowar Bautista noong ika-25 ng Enero ay naghandog ito ng programa na may temang “Angat Kalusugan” libreng gamutan para sa kanyang minamahal na mga kababayang Angateño na ginanap sa Binagbag Covered Court.

Sapagkat buong pusong naniniwala ang bise alkalde na ang salik sa pag-unlad ng bayan ay ang malusog na mamamayan.

Ang nasabing medikal misyon ay nakapagkaloob ng libreng medical check-up, bunot ng ngipin, libreng gamot, libreng laboratory test, libreng salamin sa mata, libreng gupit at masahe.

Namahagi rin ng mga medical assistive devices tulad ng mga nebulizer, BP apparatus, glucometer at wheelchair.

Mayroon din libreng konsultasyong legal, libreng pamamahagi ng binhi, libreng bakuna sa aso at pusa, blood letting at libreng pagpapakain sa mga bata.

Naisakatuparan ang libreng gamutan sa pakikipagtulungan ng Damayan Filipino sa Barangay sa pangunguna nina butihing Gobernador Daniel R. Fernando at Bise-Gobernador Willy Sy-Alvarado sa pakikipagtulungan ni Konsehal Arvin Agustin na siyang kumakatawan sa Komite ng Kalusugan sa nabanggit na bayan.

Labis naman ang pasasalamat ng mga lingkod pinuno ng Sangguniang Barangay ng Binagbag sa idinaos na libreng gamutan na nakamit ng kanilang mga kabarangay sa pamumuno ni Barangay Captain Christopher Villarama at mga kagawad ng Sangguniang Barangay na sina Kag. Rowena Paulino, Jayson Fernandez, Arjelle Joseph Cruz, Guinigundo Tigas, Ariel Francisco, Joel De Guzman, Arnie Flores at SK Chairman Joseph Kierral Flores Sotto at mga kawani.

Matapos ang matagumpay na Libreng Gamutan ay masayang nagpakuha ng larawan ang Sangguniang Barangay ng Binagbag na pinamumunuan ni Kapitan Villarama kasama ang may kaarawan na si Vice Mayor Jowar Bautista (pang apat mula sa kanan) katabi ang kanyang maybahay na si Bise-Mayora Leslie Baustista. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here