Home Katropa Rumoronda Libreng pasine para sa mga senior, ihihirit ni Mayor Rico Roque

Libreng pasine para sa mga senior, ihihirit ni Mayor Rico Roque

36
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

PUNUNG-puno ng tao ng idinaos ang ‘birthday celebration’ ng mga Senior Citizens (SCs,) para sa buwan ng Hunyo at Hulyo, na ginanap sa Leonardo Andres Sports Complex, Pandi, kamakailan. Masaya ang lahat, bukod sa mga pagkaing inihanda ay nagbigay pa din ng regalo si Mayor Enrico Roque sa kanyang tinaguriang lolo at lola ng bayang Pandi.

Sa talumpati ni Roque ay nabanggit nitong makikipagusap siya’t ilalapit niya sa mga Opisyales ng Walter Mart Cinema, Sta. Maria, Bulacan, ang mga kahilingan ng ilang mga SCs na mabigyan ng puwang ang mga SCs sa bayang Pandi, na makapanood ng libre kahit isang araw sa isang linggo sa naturang Cinema. Hindi lang sa panonood ng sine, kundi maging sa pagsakay sa ‘Point to Point (P2P,)’ biyaheng Pandi at Trinoma, ang mga SCs ay bibigyan ng ‘discount.’ Gayundin, walang babayaran sa pagkuha ng “Identification Card’ ng mga Senior.

Tsk! Tsk! Tsk! Natutuwang ibinalita sa akin ng aking Ginang ang mga naging kaganapan sa nasabing okasyon. Isa ang aking Ginang na nagdiwang sa may mga kaarawan ng buwan ng Hulyo, kaya dama at nasaksihan nito ang kasiyahan at pagmamahal na ipinadama ni Roque sa mga SCs.. Ito ang unang selebrasyon ng pagdaraos ng ‘birthday month,’ sa pamumuno ng palangiting Alkalde ng Pandi.

Batid natin na hindi ito ang una’t huling pagbibigay halaga sa mga buhay ng mga SCs ni Mayor Roque. Marami pa ang nakalinyang selebrasyon para sa mga SCs, ito ay nasa pamamahala ni Gng, Eladia Raymundo, bilang OSCA Chairwoman.

*****
Narito ang ating nakalap ng impormasyon hinggil sa mga gawain sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan. Behikulo para sa dalawang Barangay ng LSJDM, ito ang ipinagkaloob at handog ni Mayor Arthur Robes, sa mga San Josenios na nanahanan sa Barangay Muzon at Gaya-Gaya, kamakailan.

Ang mga behikulo mula sa Resettlement Governance Assistance Fund (RGAF,) ay malaking tulong sa mga nabanggit na barangay na mayroong malaking papulasyon. Ang nasabing handog ay inaprubahan ng tanggapan ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG,) bilang ayuda o sagot sa mga ‘resettlement area’ sa LSJDM.

Maliban sa usaping behikulo para sa mga San Josenios, ay tuloy-tuloy pa rin ang suporta ng Administrasyong Robes na mapadalhan at mabigyan ng libreng tubig ang mga San Josenios, ito ay bilang tulong sa mga nakararanas ng problema sa tubig. Sa programang Dobleng Aksyon Solusyon ay patuloy ang suplay at pag-ikot ng ‘fire trucks’ sa bawat lugar na naperwisyo ng kasalatan sa tubig.

Idagdag pa natin na nitong nakaraang ‘flag ceremony’ na ginanap sa Covered Court ng Lungsod, ay namahagi ang lokal na pamahalaan ng mga ‘wheel chairs at crutches’ sa mga San Josenios na may kapansanan. Ito ay sa pakikipagtulungan na rin ng CSWD.

Tsk! Tsk! Tsk! Mainam ang ginagawa ng mga namamahala sa LSJDM, patuloy ang kalinga at pagtulong sa mga mamamayan nito. Kaya masasabi kong muli na maswerte ang mga San Josenios, mayroon silang mapagmahal na mga lider, sa pangunguna ni Mayor Arthur Robes. Mabuhay po kayo dyan sa LSJDM!

Masuwerte ang mga San Josenios at Pandinios na mayroon silang magagaling na Mayor ngayon. Hanggang sa muli! (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleCeremonial Planting on System of Rice Intensification
Next articleMotorista: Bawal muna sa Kennon Road
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here