Home National News Lider ng ‘gun-for-hire,’ 2 pa patay sa shootout sa Antipolo City

Lider ng ‘gun-for-hire,’ 2 pa patay sa shootout sa Antipolo City

374
0
SHARE

ANTIPOLO City — Nasawi sa engkwentro ang kilabot na lider ng isang gun-for-hire syndicate na si Bong Chavez at ang dalawa pa nitong kasama matapos manlaban at makipagpalitan ng putok ng baril sa mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) sa inilatag na anti-drug buy bust operation Barangay Inarawan nu’ng Lunes.

Base sa report ni RDEU Chief Supt. Ariza kay Calabarzon Regional Director Police Chief Supt. Eduard Carranza, dakong alas-11:15 ng gabi nang ilatag ang nasabing operasyon sa Sitio Maagay, Brgy. Inarawan sa nasabing lungsod.

Nakaramdam umano ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya agad na pinaputukan ang mga pulis.

Agad namang gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang tatlong suspek kabilang ang notoryus na si Bong Chavez na itinuturong sangkot sa pagkamatay ni Police Supt. Ramy Tagnong, na chief legal officer ng Calabarzon na inambush noong Mayo 4, 2018, sa Brgy. Dalig, Antipolo City at kay retired PO2 Rody Lico na pinasok at pinatay sa loob mismo ng kanyang bahay sa Sto. Niño Street, Brgy. San Isidro noong Mayo 19, 2018.

Narekober sa lugar ang isang piraso ng small plastic sachet ng hinihinalang shabu na nabili ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer at isang plastic bag na may laman ng hinihinalang shabu na may timbang na 100 grams at may street value na P680,000, isang caliber .45 na baril, 2 piraso ng cal. 38 revolver, isang cal. 22 at mga bala.

Sinasabing ang grupo rin ni Chavez ay nag-o-operate sa NCR, Region 3 at buong Calabarzon area. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here