Home Top Story Lider ng ‘Ninja Cop’ biyaheng Munti!

Lider ng ‘Ninja Cop’ biyaheng Munti!

79
0
SHARE

SA kulungan ang bagsak ni Major Rodney Raymundo Baloyo IV, isa sa 13 dating Pampanga police na sangkot sa drug recycling matapos siyang patawan ng contempt ng Senate blue ribbon committee dahil sa pagsisinungaling sa pagdinig.

Pinirmahan kagabi ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang commitment order na nag-aatas na ikulong si Baloyo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa imbes na sa Pasay City Jail.

Sa hearing kahapon sa Senado, pina-contempt ni Se­nador Panfilo ‘Ping’ Lacson si Baloyo matapos itong maging ‘evasive’ at magsinungaling sa mga senador.

“I move to cite in contempt of the committee Major Baloyo,” sabi ni Lacson sa kanyang mosyon.

“Pag sinugaling ka, pag inu­lit ang tanong, iba ang sagot mo. Magkakabuhol-buhol ka pag hindi totoo ang sinasabi mo,” dagdag pa nito.

Bago ang mosyon, sinabihan ni Lacson si Baloyo na inoobserbahan nila ang mga kilos nito at napansin nilang ‘tentative’ ang mga sagot nito.

Inaprubahan naman ni Senador Richard Gordon, chairman ng Senate blue committee, ang mosyon at sinabing dapat sa Pasay City Jail ikulong si Baloyo.

Bago ito, kinuwestiyon muli nina Gordon at Lacson si Baloyo kaugnay ng nangyari sa buy-bust operation sa Woodridge Subdivision, Lakeshore View, Pampanga noong Nobyembre 29, 2013.

Subalit taliwas ang paha­yag ni Baloyo ang findings ng imbestigasyon na isinagawa ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pinangunahan ni Brig. Gen Albert Ignatius Ferro at Region 3 Police Chief Rudy Lacadin, gayundin sa report ng mga opis­yal ng barangay sa Mexico, Pampanga at sa rekord ng korte.

Ayon naman kay retired Police General Manuel Gaerlan, dating deputy regional director for operations sa Pampanga, kasinungalingan umano ang ginawang report ni Baloyo sa kanilang operasyon.

Sabi ni Baloyo, isinagawa nila ang operasyon alas-4:40 nang hapon o dalawang oras at kalahati matapos makatanggap ng impormasyon mula sa informant tungkol sa Chinese drug trafficker.

Kinuwestiyon ni Lacson kung paanong naberipika ng grupo ni Baloyo ang impormasyon, paanong na-secure ang marked money, nagsagawa ng surveillance sa sinasabing drug den gayundin ang pagsagawa ng drug bust sa loob lang ng dalawa at kalahating oras.

“Kasinungalingan po ang spot report to cover up what real­ly happened nu’ng umaga. Alas-10:00 nila nang umaga pinasok (ang drug den),” sabi ni Gaerlan, na naatasang mag-imbestiga sa operasyon ng grupo ni Baloyo.

Sabi pa ni Gaerlan, hindi umano 36 kilo ang nakuha ng grupo sa bahay ng Chinese drug lord na si Johnson Lee sa Mexico, Pampanga, kundi halos sa 200 kilo.

“Nu’ng una, tuwang-tuwa po kami. It is not every day we are able to confiscate 36 kilos of illegal drugs. Later on, nalaman po namin ‘yung irregula­rities. Hindi lang po 36 kilos, kung hindi 200 kilos,” sabi ni Gaerlan.

Inihayag din ni Gaerlan hindi rin kumuha ng clearance ang grupo ni Baloyo mula sa kanilang mga superior, wala ring search warrant at koordinas­yon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bago isinagawa ang operasyon.

Source: Abante

SHARE
Previous articleBatang lalaki na nanghuhuli ng gagamba, lunod sa balon
Next article2 ‘tulak’ ng droga sa San Rafael, dedo sa drug ops
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here