Ligtas ka ba sa ‘washable face mask’?

0
530
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

SIMULA nang pumutok ang coronavirus na tinatawag ding COVID-19 ay naubos sa mga botika ang face mask. Datirati kasi, karaniwang nabibili sa mga botika ang face mask ayon sa klase tulad ng surgical mask at N95 respirator mask pero ngayon, mistulang ginto ang halaga ngayon ng mga mask na iyan.

Maging ang mga tindahan ng medical supply sa Kalye Bambang, sa Sta. Cruz, Manila ay sinugod ng mga nag-panic na mamimili kaya nagkaubusan ng face mask sa mga tindahan doon. Maging ang alcohol ay naubos din ang supply sa mga supermarket dahil pinakyaw ang mga consumer dahil sa takot na maubusan sila.

Kaya nang unang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Luzonwide community quarantine, hanggang sa ilagay ang buong Pilipinas sa ilalim ng state of calamity, lalong nagkahirapan sa pagbili ng facemask dahil sa malaking demand sa nasabing produkto. Ito ang nagtulak sa mga kababayan nating malikhain na gumawa ng face mask na gawa sa tela.

Nag-click naman ang face mask na gawa ng mga mananahi. Gumawa sila ng iba’ibang kulay at doon na nga nagkaroon ng sariling pangalan na ‘washable face mask’ ang naturang maskara. Palibhasa ay mababa ang presyo nito na mabibili sa halagang sampung piso kada piraso kaya marami ang tumangkilik sa washable face mask.

Pero ito ang malaking tanong: Kaya ka bang protektatahan ng washable facemask kontra COVID-19? Kung ang mga dalubhasa sa larangan ng medisina ang tatanungin ay tiyak na malaking HINDI! ang kanilang isasagot.

Ayon sa mga eksperto, kahit ang surgical mask ay hindi garantisado na mapoprotektahan ang mga duktor, nurse at hospital staff na karaniwang nakakahalubilo ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19. Mayroong isang medical practitioner na tinamaan ng cononavirus, nang minsang magsuot siya ng karaniwang surgical mask, habang tumutulong sa paggamot sa COVID-19 patients.

Samakatuwid, hindi siyento porsiyentong ligtas ka sa surgical mask kaya ang ginagamit ng mga duktor sa mga pagamutang tumatanggap ng coronavirus patients ay ang N95 respirator mask, lalo na ang mga manggagamot, nurse, medtech na lumalapit sa mga pasyenteng may COVID-19 ang N95 ang ginagamit, bukod sa protective suit.

Ang washable mask ay protection lang sa alikabok at iba pang small particles na pwedeng pumasok sa ilong at bibig. Hindi pwedeng ito ay gamitin sa pakikipag-usap ng malapitan sa tao, o kung papasok man sa loob ng ospital dahil hindi kayang salain ng washable face mask ang mikrobyo, lalo na ang coronavirus. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here