Home Kakampi Ng Masa ‘LIP’ fund ng mga Kongresista saan kaya napupunta?

‘LIP’ fund ng mga Kongresista saan kaya napupunta?

19
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

Mga ’igan, maraming mga Filipino ang nagtatanong kung saan daw napupunta o dinadala ng mga Kongresista ang kanilang Local Infrastructure Projects (LIP) ito po mga kababayan ang dating DAP at PDAP na naging kontrobersyal dahil sa ibinubulsa at umano’y ginagamit sa personal na pangangailangan ng mga kinatawan.

Kung matatandaan ninyo, mayorya ng mga mambabatas natin ay inakusahan ng paglustay sa perang mula sa buwis ng taong bayan.

At dahil nga dyan marami ang nagalit na netizen natin dahil sa ang mga buwis na kanilang pinaghirapan ay pinagpipiyestahan ng mga halal ng mamamayan.

Umaasa kasi ang maraming Pinoy sa una nang ipinangako ng mga politikong tutulungan nila ang mga maralita na iaangat ang kanilang kabuhayan mula sa pagbubungkal ng lupa sa kanilang mga sakahan.

Subalit mula nang manalo nitong nakaraang eleksyon ang mga kandidatong may magandang pangako hanggang ngayon nanatiling nganga sa pangako.

Marahil marami sa inyo ang hindi nakakaalam na mayroong P100 milyong pondo kada taon ang mga kongresista bukod pa diyan ang P30 milyon na pondo para sa mga maysakit na Filipino at hindi pa kasama diyan ang iba pang milyong pisong pondo sa agrikultura.

Kaya hindi po maaring gawing dahilan ng mga kongresista na wala silang pondo sa inyong mga pangangailangan.

Doon po sa mga kongresista na bukambibig ang wala silang pondo, huwag nyo silang linlangin… may pondo kayo para diyan.

Isang halimbawa ang probinsya ng Bulacan na mayroong 5 mambabatas. May nakita na po ba kayo na major projects sa inyong mga lugar?

Kung wala ay may pagkakataon na po kayo na magtanong kung nasaan ang kanilang mga ipinangako noong nakaraang eleksyon?

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here