Home National News LIPAD BALAGTAS INILUNSAD; Asensong may Plano, Para sa Balagtaseño

LIPAD BALAGTAS INILUNSAD; Asensong may Plano, Para sa Balagtaseño

160
0
SHARE

BALAGTAS, Bulacan – “Ang tunay na serbisyo-publiko, may bisyon at plano para sa bayan, para sa tao”.

Ganito inilunsad kamakailan sa Barangay Pulong Gubat ang LIPAD BALAGTAS 2019—bagong lapiang-pangkaunlaran sa bayan ng Balagtas sa pangunguna ni Mayor Eladio “Kap. Junior” Gonzales at tumatakbong Vice Mayor Ariel Valderama, na kasalukuyang ABC President ng nasabing bayan.

Mayor Eladio “Kap. Junior” Gonzales at Vice Mayor Ariel Valderama

Tampok sa makasaysayang pagtitipon ang pagdating at pananalita ni Malolos Mayor, Atty. Christian “Agila” Natividad, na nagbigay ng suporta sa kandidatura ni Mayor Gonzales at Vice Mayor Valderama. Si Agila ang nangungunang kandidato ng partidong administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-gobernador sa Lalawigan ng Bulacan.

Dala ang panawagang “Asensong May Plano Para sa Balagtasenyo”, pormal na inilunsad ng Lipad Balagtas ang kandidatura para sa Halalan 2019 nila Gonzales at Valderama, kasama ng walong kandidato sa pagka-konsehal ng bayan na sina Jay-Ar Aragon, Ian De Guzman, Bobby Estrella, Jay Galvez, Analyn Jose, Dante Marcelo, Monay Payuran at Jepok Ventura.

Saksi ang mahigit 800 mamamayan mula sa siyam na barangay ng Balagtas, ipinaliwanag ng mga kandidato ng Lipad ang bisyon at misyon ng lapian.

Batay sa malawakang konsultasyon, ayon kay Valderama, pangunahing hinaing ng mga Balagtasenyo ang problema sa basura, kalinisan at kapaligiran, trabaho, droga at kriminalidad, at disiplina. Ang mga ito, aniya, ang tinutugunan ng LIPAD na sadyang ibinalangkas para direktang tugunan ang mga ito.

“Hindi po dapat hinuhulaan lang mga kailangan ng taong-bayan, lalo na sa konseho. Ikinukunsulta ito at binibigyan ng tamang prayoridad,” ayon kay Valderama, na katulad ng kanyang ka-tandem na Mayor Gonzales ay beteranong Barangay Chairman, bago naluklok sa pamamahalang-lokal.

 

Para naman kay Mayor Gonzales, malaki ang magagawa ng isang propesyunal na arkitekto katulad ni Valderama sa pagbabalangkas ng direksyong-pangkaunlaran ng isang maliit na bayan tulad ng Balagtas.

Pinuri naman ni Inhinyero Rey Ajose, Municipal Assessor, ang aniya ay “perpektong tambalan ng isang alkaldeng mahal ng masa at isang arkitektong may bisyon para sa bayan at pamamahala”.

“Mga subok na rin ang mga konsehal ng Lipad, dahil karamihan sa kanila ay nanungkulan na sa konseho. Tiyak ang suporta sa ordinansa at batas na tiyak na magpapalipad sa bayan ng Balagtas,” ani Ajose.

Si Arkt. Valderama ay taal na Balagtasenyo mula sa Barangay Dalig, na ang ama ay dati ring kapitan ng barangay. Mula sa payak na pamilya ay nagtapos siya bilang isang arkitekto at ngayon ay matagumpay na pangulo ng mga kapitan (ABC), propesyunal, at negosyante. (RONDA Balita Online News)

Kuha ni JASON ESTRADA

SHARE
Previous articleHundreds of school-based PESO students learn the do’s and don’ts in job hunting
Next articlePekeng pari arestado matapos ang pekeng basbas, Misa kapalit ng donasyon
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here