Live hogs, pork products bawal ipasok sa Cervantes, Ilocos Sur

0
123

ILOCOS SUR — Mahigpit na ipinagbabawal ngayon ng lokal na pamunuan ng Cervantes, Ilocos Sur ang magpasok ng live hogs, pork at pork products sa bayang ito dahil sa takot nila na mahawahan ng African Swine Fever (ASF) ang mga alagang baboy ng mga residente.

Sa inilabas na Memorandum  No. 07-2020 ni Mayor Pablito Benjamin P. Maggay II kahapon, September 1, na naka-address  sa mga hog raisers, meat vendors, meat traders, mga punong barangay, at PNP checkpoint, nakasaad dito na bawal magpasok sa kanilang bayan ng mga live hog, pork at pork products na galing sa ibang bayan o lalawigan.

Ang aksyon na ito ay napagkaisahang ipatupad ng mga municipal official ng naturang bayan matapos na pasukin ng ASF ang ilang barangay sa bayan ng Tagudin.

Ayon sa Mayor, ang ASF ay highly contagious hemorrhagic viral disease ng mga domestic at wild pigs.

Aniya, ang  impeksyon ay mabilis na kumalat kaya ngayon pa lang ay kailangan na nilang kumilos para mapangalagaan ang mga alagang baboy ng mga residente sa kanilang lugar bago pa sila mapasok ng ASF.

Kaugnay nito, muling nagpaalala si Maggay  sa lahat ng mga nag-aalaga ng baboy sa kanilang lugar.

 Ang panawagan niya sa kanila ay palagi  nilang ipatupad ang mga preventive measure at good swine husbandry practices.

Kung may mapansin silang mga biglaang pagkamatay ng kanilang mga alagang baboy, ireport kaagad nila ito sa Municipal Agriculture Office. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here