Live pigs at meat products, bawal ipasok sa San Esteban, Ilocos Sur

0
292

ILOCOS SUR — Mahigpit na ipinagbabawal ngayon ng pamunuan ng bayan ng San Esteban sa lalawigang ito ang pagpasok ng mga live pigs at pati na ang mga iba’t ibang meat products sa naturang munisipalidad.

Ito ay matapos na maglabas ng isang Executive Order ang opisina ni Mayor Ray R. Elaydo II.

Ang Executive Order No. 40, series of 2020 ay inilabas ni Elaydo bilang precautionary measures nila kontra African Swine Fever (ASF).

Aniya, bukod sa bawal magpasok at maglabas ng live pigs sa kanilang bayan, bawal din na magpasok at maglabas ng karne ng baboy, mga pork related products and by-products whether fresh, frozen and processed.

Nakikiusap si Elaydo sa kanyang nasasakupan na sumunod at makipagtulungan. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here