Liwanag ng ‘Christmas Tree’ simbolo ng pag-asa

0
84
Opinion Column ni Vic  Billones lll

PAGPAPAILAW ng higanteng “Christmas Tree” ang hudyat ng bagong pananaw sa buhay ng sangkatauhan, ito ang wika ni Mayor Arthur Robes, Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan, sa ginawang pagpapailaw ng naturang Christmas Tree na  naganap sa harap ng City Hall sa nabanggit na lungsod kamakailan.

Sa panayam ng Katropa kay Robes, sinabi nito na, “’yan ay patuloy na ginagawa natin para mabago naman ang pananaw ng tao, tigil na sa pandemya. Papunta na tayo sa pagbabago ng pananaw na sana ay maging maayos naman at mabuti naman ang kalagayan ng tao.”

Sa tanong na ano pa ang dapat asahan ng mga San Josenio sa Kapaskuhan na darating, ang dagliang tugon ni Mayor ay, na sana ay mabago na of course, magbukas na ang lahat ng negosyo, magkaroon ng mas maraming trabaho, mas maraming oportunidad na maiangat na ang buhay ng tao.

Ayon naman kay Dr. Dennis Booth, Ph.D., City Administrator ng LSJDM, “ang ceremonial lighting ng ating giant Christmas tree, ay simbolo ng kapaskuhan at Pag-asa, na sa gitna ng pandemya, ay mayroong tayong ginagawang pagdiriwang kagaya nito, bilang celebration sa pagsapit ng kaarawan ng ating Panginoon. At espesyal na bagay sa celebration this year ay itinaon natin ang ceremonial lighting ng ating christmas tree sa kaarawan ng ating Punong Lungsod. At ito ay isang makabuluhan na selebrasyon kaalinsabay ng kick off ng ating christmas celebration at kaarawan ng ating pinakamamahal na mayor.

 “Traditional” naman na ang ating mayor at congresswoman ay bumababa sa mga barangay at “they engaged in gift-giving,” para maiparating ang kanilang kagandahang loob at ang espiritu ng kapaskuhan. Pero siyempre may mga health protocols na susundin sa actual distribution, patapos ni Booth tungkol naman sa darating na Kapaskuhan.

Sa ulat naman ni G. Ronald Soriano, PIO, City Hall, SJDM, ay nagsasaad na “liwanag at pagasa sa gitna ng pandemya ang simbolo ng isinagawang pagpapailaw ng giant christmas tree.”

Tsk! Tsk! Tsk! Naging makulay at talaga namang naging masaya ang pagpapaliwanag ng higanteng Christmas Tree ng gabing iyun.

Maging ang mga San Josenio na tulad ni Merlita Acorin ay nagsabing, “ang pasko ay pag-ibig, iparamdam sa bawat-isa ang pagmamahal, makipagkapwa-tao, magbigayan, at pagpapatawad para sa lahat. Punong –puno  ng pag-ibig para sa bayan ng San Jose Del Monte.”

Gayundin si Macky Salonga ay nagbigay ng kanyang pahayag sa kabutihan nina Mayor Robes at Congw. Rida Robes, “sila iyung pag-asa ng San Jose Del Monte. Ipinakita nila sa pagpapailaw ng Christmas Tree ang pag-asa ng San Jose Del Monte. Napakaganda, pinag-planuhan, at talaga namang magarbo ang malaking Christmas Tree, inaabangan ng tao yearly ay ang hudyat ng pagbubukas ng kaunlaran.”

*****

Mamamahayag sa Pangasinan, patay sa riding assassins

May binaril at napatay na namang isang Radio Reporter mula sa Villasis, Pangasinan, nitong ika-10 ng Nobyembre, 2020.

Tsk! Tsk! Tsk! Kailangan na talagang ibalik ang ‘death penalty,’ at kung pwede armasan na din ang mga lehitimong miyembro ng MEDIA. Luwagan sila sa pagkuha ng mga permit sa pagdadala ng armas bilang depensa sa kanilang mga sarili. Nakapagtataka lamang na tila nagkalat ang mga loose firearms. Hanggang sa muli! 

Previous articleMabilis daw ang takbo ng panahon
Next article12-wheeler truck, bawal pang dumaan sa Candaba Viaduct
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here