Loisa Andalio, nanggigil sa komento ng mga bashers

0
58

SOBRANG reaksiyon ni Loisa Andalio nang mabasa ang isang kumento tungkol sa kanya na nagparetoke siya ng face kaya raw mas lalong gumanda.

“Nanggigil ako sa ganito,” sey ng girlfriend ni Ronnie Alonte.

May in-upload nitong nakaraang January 7 si Eloisa sa kanyang YT channel kasama  ang boyfriend na si Ronnie sa pagsagot ng mean comments ng kanilang bashers.

Ang ibang komento na pumapasok ay hindi nagugustuhan ng celebrity couple kaya madalang daw talaga sila magbasa ng mga komento na pumapasok sa kanilang platform.

Tulad na lang ng ganitong komento: “retokadang-retokada ang fez ni loisa andalio ngayon ah. no offense.”

Hindi maitagong manggigil ang young actress sa nabasang mean comment na pumuna sa kanyang hitsura.

Itinanggi niyang walang retokeng ginawa sa kanyang mukha.

“Wala akong ginawa. Never akong nagparetoke. As in hindi ako nagparetoke talaga.

“Hindi ko rin pinangarap na magparetoke. Kumbaga, ayokong baguhin ang hitsura ko,” sambit ni Loisa.

Hindi naman daw siya against sa mga  nagpapa-enhance, pero hindi raw niya kailangan.

“Okay lang i-enhance. Hindi ako ano dun, wala akong problema sa mga nagpapa-enhance.” Nagbiro pa siyang wala naman daw siyang nakikitang dapat iparetoke sa sarili.

May mga pumuna naman sa katawan ng Kapamilya actress.

Halata raw na ine-edit niya ang kanyang pictures dahil may mga kuha siyang mataba at payat na napu-post sa social media.

Esplika niya, “Yung mga ganitong comment naman, di ko na pinapansin kasi nakakatawa lang naman yung mga ganyan.

“’Tsaka pag nag-e-edit ng picture, walang basagan ng trip naman, guys.”

May mga nababasa rin siyang mga komento na “bobo, tanga, malandi,” at kung anu-ano pang masasakit na salita.

Sabi ni Loisa, “Lahat ng masasamang… masasakit na salita, sinabi mo na sa’kin.

“Inagawan ba kita ng jowa? Ari-arian mo kinuha ko? Grabe naman yung inutil.

“Hindi ako nahe-hurt, pero kayong mga bashers, bawas-bawasan niyo ang ganyan kasi pangdya-judge ‘yan.”

Dati raw ay sinasagot niya ang mga bashers, pero ngayon daw ay nahahandle na niya at pinasalamatan pa niya ang mga ito dahil may time silang pag-aksayahan siya ng panahon.

Feeling daw niya ay sikat na rin siya. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here