Home National News Lolo arestado sa panggagahasa sa pipi’t bingi

Lolo arestado sa panggagahasa sa pipi’t bingi

20
0
SHARE

DAHIL sa inilatag na arrest warrant inaresto ang isang 57 anyos na lolo makaraang ituro sa pamamagitan ng “sign language” ng isang 13 anyos na pipi at bingi na nanggahasa sa kanya noong nakaraang Oktubre, 2018 sa Sampaloc, Manila.

Magkasanib na puwersa ng Manila Police District-Warrant & Subpoena Section at Theft and Robbery Section (TRS) ang nag surveillance bago nahuli ang suspek na nakilalang si Leonardo San Juan ng 823 Leyte Del Sur St., Sampaloc.

Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Jacquelyn Martin, ng Manila Regional Trial Court Br. 9, dahil sa kasong Rape o Article 266-A (as amended) ng Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997.

Sa ulat ni P/Major Eduardo Pama, hepe ng MPD-TRS, bandang 8:30 ng umaga, kamakalawa (Mayo 1) nang arestuhin ang suspek na nadatnan ng mga awtoridad sa kaniyang bahay na naliligo.

Ayon sa rekord ng korte kapitbahay ng suspek ang biktima na itinago sa pangalang Amor, estudyante.

Napag-alaman na maraming beses na umanong inabuso ng suspek ang biktima at ang pinakahuli ay naganap noong Oktubre 26, 2018 sa loob ng bahay ni San Juan.

Bahagi ng salaysay ng biktima ang pagsasalarawan sa suspek na may bigote, sira ngipin, mabaho at pangit at bad lolo, at kung ano ang ginawa sa kanya tulad ng hubad short, hawak ari, kiss lolo ako, hawak dibdib at kiss sa leeg”.

Patuloy na sumbong ng biktima sa pamamagitan ng sign language, sinabi nitong nakita siya ng suspek na naglalaro sa labas ng bahay at hinila umano siya saka ipinasok sa loob ng bahay na walang ibang tao maliban sa suspek.

Naghubad umano ang lolo at inilabas ang ari at ipinasok sa kaniyang ari ang kamay at idinikit umano ang ari ng lolo at nasaktan ang biktima.

Natakot umano ang biktima nang umiyak ito dahil sa sakit at tinakot na susuntukin ng suspek. Tinutukan pa umano ang biktima ng kutsilyo. Matapos ang ginawang kababuyan ng akusado ay binigyan nito ng pera “ang bente pesos’ na kinuha naman ng biktima.

Source: TNNP

SHARE
Previous articleNLEX-SCTEX, safe after 6.1-magnitude quake
Next articlePaslit nabaril umano ng 6-taong gulang na pinsan
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here