LPG dealer na nag-post sa socmed na pasasabugin ang checkpoint sa Meycauayan, timbog!

0
349
Ang LPG dealer na si Abram Jacob Vibar na inaresto matapos mag-post sa Facebook na pasasabugin ang quarantine checkpoint sa Barangay Lawa, Meycauayan City. (Larawan mula sa Meycauayan PNP)

MEYCAUYAN CITY, Bulacan — Kalaboso ang isang dealer ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) matapos mag-post sa social media na pasasabugin ang quarantine checkpoint sa Barangay Lawa sa nabanggit na lungsod dahil istorbo ito sa kanyang trabaho.

Base sa ulat, kinilala ang dinakip na suspek na si Abram Jacob Vibar, 27-taong gulang, residente ng Brgy. Lawa.

Sa inisyal na imbestigasyon, hindi umano pinadaan ang suspek nu’ng Martes (May 12) sa checkpoint/control point sa naturang barangay dahil hindi nito dala ang kanyang quarantine pass.

Makaraang hindi payagang dumaan sa naturang checkpoint, nagkomento ang suspek sa kanyang Facebook account na nag-alok na magbibigay ng LPG para pasabugin na ang mga frontliner sa ECQ control point.

Agad namang humingi ng kapatawaran ang suspek at nagsabi na nagbibiro lamang siya at hindi niya alam na ito ang magiging dahilan ng kanyang pagkakakulong.

Nakakulong ang suspek sa Meycauyan City Custodial Facility at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 10175 Sec 6 at disobedience to authority. (RONDA BALITA Online)

Previous articleAdvance mag-isip
Next articleNLEX teams to undergo massive testing for COVID-19
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter, member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter and National Press Club. She is now the Bulacan Press Club secretary.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here