Home National News LTO may bagong polisiya sa driver’s license

LTO may bagong polisiya sa driver’s license

119
0
SHARE

QUEZON CITY — Inaabisuhan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga driver na kukuha ng lisensiya na simula nitong linggo, tatanggapin lang ng ahensiya ang mga medical certificate na ipadadala online ng kanilang akreditadong klinika at doktor.

Sakop din umano ng bagong polisiya ang mga kumukuha ng student permits pati na ang nagre-renew ng kanilang lisensiya.

Epektibo ang polisiya nitong Lunes sa National Capital Region (NCR) at Region 11.

Iiimplementa rin ito sa Regions 5, 4A, 4B , 7 sa Enero 14 habang sa Enero 21 naman sa Regions 6 at 9.

Sa Enero 28 naman eepekto ang polisiya sa Regions 1, 2 at 3 habang sa Regions 10, 8, Cordillera Administrative Region at CARAGA ay sa Pebrero 4.

Samantala, nakalagay ang listahan ng accredited clinics at doctors sa Facebook page ng LTO-NCR.

tnt.abante.com.ph

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here