Home Showbiz Luis Manzano handa nang mag-asawa, waiting na lang kay Jessy Mendiola

Luis Manzano handa nang mag-asawa, waiting na lang kay Jessy Mendiola

722
0
SHARE

AYON kay Jessy Mendiola kapag nagsasabi raw ang boyfriend niyang si Luis Manzano ng “ready na ako” ang ibig raw sabihin ay handa na si Luis sa pag-aasawa.

Malimit na raw kasi nilang napag-uusapan ang kasal, pero ibig raw muna ni Jessy patunayan sa sarili na may na-achieve na siya sa buhay bago siya mag-asawa.

“I want so much more before I settle,” ani Jessy. Naiintindihan naman raw siya ng boyfriend at willing naman itong maghinay.

Pero, kapag kinukulit raw ng mahusay na TV host ay tinitingnan lang raw niya si Luis at alam na raw ‘yun ng anak ng Star For All Seasons na si Ate Vi (Vilma Santos-Recto).

Samantala, nag-birthday ang dalaga ng kanyang ika-25 taong gulang kamakailan. Nagulat raw siya dahil sinorpresa ng British-Lebanese na ama. Hindi raw niya akalaing muling babalik ang ama dahil last June lang ay narito ito.

Ayon pa sa Kapamilya actress magkasundung-magkasundo raw ang ama at si Luis lalung-lalo na sa pagdyu-joke tungkol sa pag-aasawa.

Sinabi naman ni Luis: “Ayaw naming pilitin. It’s better kaysa pinipilit ang mga bagay-bagay.”

Oo nga naman. Kung uukol, bubukol. ‘Yun na!

Kamakailan ay nag-post si Jessy ng kanyang napakaseksing picture kung saan siya ay naka-two piece bikini.

Muli pinatunayan ng girlfriend ni Luis na siya pa rin ang pinakaseksing babae kung saan siya ang nanguna last year sa FHM men’s magazine.

Trending ang naturang sexy photo ni Jessy kung saan nag-celebrate siya ng kanyang kaarawan sa Boracay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here