Luis Manzano kasama sa wedding entourage ni Anne Curtis

0
599

GUEST si Luis Manzano nu’ng Monday (September 25) sa Magandang Buhay na kung saan ang host ay sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal,

Sa kanilang kwentuhan ay hindi naiwasang mabanggit si Anne Curtis, ang unang babaeng na-link sa mahusay na TV host. Younger days pa lang nila at may tawagan pa sila sa isa’t isa. Akala ng lahat ay may relasyon sina Anne at Luis, pero sa kanila mismo nanggaling na matalik silang magkaibigan.

Ani Luis: “Kami ni Anne ay mag-bestfriends umpisa pa lang. She’s like a sister to me. Ikakasal na siya ngayon at ang usapan namin kapag kami ay ikakasal na kailangan may part kami sa isa’t isa. Siguro hindi pa ako artista, baka 18 pa lang ako nakilala ko na siya. Siya ‘yung type ng best friend na hindi ko kailangang makita on a regular basis para ma-maintain ‘yung friendship namin.

“Si Anne, nakaka-touch, kasi ‘di ba ikakasal na nga siya? She sent me a letter saying na ‘may promise tayo sa isa’t isa and would you be my man of honor sa kasal?’ So kasama ako sa entourage ng kasal niya. ‘Yun ang promise namin sa isa’t isa na kailangan part ako noon. At the same time, kapag ikinasal na ako, she will be my best woman.”

Ikakasal si Anne sa long-time boyfriend nitong si Erwan Heussaff.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here