Home Showbiz Luis Manzano sa abroad pakakasalan si Jessy Mendiola

Luis Manzano sa abroad pakakasalan si Jessy Mendiola

291
0
SHARE

LAGI namang sinasabi ni Luis Manzano na si Jessy Mendiola na ang tamang babae sa kanya. Hindi rin niya itinatanggi na may plano na niyang pakasalan ang dalaga ‘yun nga lang ay wala pang definite time but if ever daw ay sa abroad nila planong magpakasal ni Jessy. May choices na raw silang naisip na kailangan daw muna nilang mapuntahan para ma-ocular.

Hindi naman itinatanggi ng mahusay na TV host na pinag-uusapan nila ng girlfriend ang marriage. Katunayan nag-post si Jessy ng picture sa kanyang Instagram account na nakasuot ng wedding gown at may comment si Luis ng “soon po.” Tanong tuloy ng netizen kung kelan ba talaga? “Soon, yun naman talaga, hindi ko naman nilalabo o itinatago under different context. Definite date? Wala pa talaga, but definitely soon.”

Ang mga magulang ni Luis na sina Congresswoman Vilma Santos-Recto at Edu Manzano ay gustung-gusto na mabigyan sila ng apo. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePiolo Pascual at Shaina Magdayao magkasama sa Berlin
Next articleJolo Revilla kinilig sa sinabi ni Jodi Sta. Maria
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here