Mabuhay ang ‘Bayanihan’ sa Pilipinas!

0
76
Opinion Column ni Vic  Billones lll

HABANG isinusulat natin ito ay patuloy ang pagtulong ng ating mga kababayan sa mga biktima ng nangngangalit na Bulkang Taal. Dahil dito ay muling nagsagawa ng Relief Operations ang City Disaster Risk Reduction and Management Office, sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan, noong ika-18 ng Enero, 2020 sa mga evacuees sa Cuenca Central School sa Munisipalidad ng Cuenca sa Batangas.

Ito ang pangalawang batch ng mga tulong at donasyon na hatid ng LSJDM, para sa ating mga kababayan sa Batangas. Halos lahat ng bayan sa Lalawigan ng Bulacan at Kamaynilaan, mga NGOs ay nagtutulong tulong. Maging ang ating mga kasamahan sa pamamahayag na kasapi sa Bulacan Press Club sa pamumuno ni Jenny Raymundo, gayundin ang Waterfront News sa pangunguna ng pabliser nitong si Mae, ay nakalikom na rin ng mga gamit na pakikinabangan at magagamit ng mga nagsilikas mula sa paanan ng naturang Bulkan.

Tsk! Tsk! Tsk! Basta tulong ang paguusapan, ang mga Pilipino ay laging nagkakaisa, handang magbigay ng suporta, minsan kahit na kakainin na lang nila, ay ibinabahagi pa nila sa taong gipit. Pagpalain ang mga taong matulungin sa kanyang kapwa. Mabuhay ang BAYANIHAN sa Pilipinas!

*****

May anunsyo ang DepEd-City of San Jose del Monte ito ay ang maagang pagpapatala para sa School Year 2020-2021. Magsisimula sa ika-1 ng Pebrero, 2020, hanggang sa ika-6 ng Marso, 2020. Para sa sinumang nais mabatid ang kabuuan ng pagrerehistro ay mangyaring basahin ang DepEd Order No.3,s. 2018, o dili kaya ay tunghayan sa kanilang FB page: https://www.facebook.com/DepEdTayoSanJoseDelMonteCity/

Nabanggit na din ang LSJDM, pinasinayaan ni Congresswoman Florida Robes ang bagong Covered Court sa Palmera Homes Phase 3B, Barangay Kaypian, noong ika-20 ng Enero, 2020, kaisa ang mga Opisyal ng nasabing Barangay. Ito anila ay handog ng Ate ng Bayan para pag-ibayuhin ang mga programa at serbisyo ng ating mga barangay para sa bawat pamilyang San Joseño.

Isa pa sa mga kaganapan sa LSJDM nitong mga nakalipas na araw, ay ang ginawang pakikipagusap ni Mayor Arthur B. Robes sa ilang kawani ng Ospital ng Lungsod ng San Jose del Monte, upang talakayin ang iba’t iba pang mga “concerns” tungkol sa Ospital ng Lungsod. Nabanggit pa din na kung may mga puna mula sa Social Media, laban sa ilang nanunungkulan sa nasabing Ospital ay kailangang sagutin, upang maisaayos at maituwid ang anumang reklamo o suliranin.

Tsk! Tsk! Tsk! Malapit na naman ang pasukan, kailangang maihanda na rin ng mga magulang ang mga kinakailangang gamit ng kanilang mga anak sa eskuwela. Ilan sa mga batang iyan, kalaunan, ay silang magiging pag-asa ng bayan. Tungkol naman sa bagong Covered Court na inagurahan o pinasinayaan ni Congw Rida Robes, suwerte ng mga San Josenios, meron ng silang masipag na Kongresista, eh maganda pa.

Heto namang tungkol sa Ospital ng LSJDM, kung noon ay mayroong mga masusungit namamasukan at hindi inaasikaso ng ganap ang isang pasyente, ay iba na ngayon, sabi ng isang Ginang. “Ngayon wala na iyung masusungit at pabaya sa Ospital, dahil takot na silang maisumbong sa nakatataas,” sambit pa ng ating napagtanungan.

Higit ng magkaroon ng ‘Social Media o Facebook,’ doon ay naihahayag ng mga pasyente at mga kamag-anak nito ang kanilang mga saloobin. Kaya sabi nga sa pulong na pinamahalaan ni Mayor Robes na alamin ang mga puna at bigyan ng atensyon upang maresolba ang mga ito. Hanggang sa muli. (RONDA BALITA Online)

Previous article16-anyos na estudyante sa Pulilan, huli sa baon na marijuana
Next articleRuta ng NLEX mula C-5 papuntang gitnang Luzon, sisimulan na
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here