Home Bulacan Local News Mabuhay associate editor bagong pangulo ng Bulacan Press Club

Mabuhay associate editor bagong pangulo ng Bulacan Press Club

51
0
SHARE

LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nanumpa nitong unang Lunes ng Nobyembre taong kasalukuyan ang mga bagong pamunuan ng Bulacan Press Club para sa taong 2019-2021 sa harap ni National Press Club president Rolando Gonzalo sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lunsod na ito.

Nanumpa bilang pangulo ng Bulacan Press Club ang associate editor ng MABUHAY na si Jennifer Raymundo na anak naman ng dating pangulo ng samahan na si Perfecto “Ka Peping” Raymundo.

Si Thony Arcenal naman na TV5 stringer ay nanumpa bilang pangalawang pangulo; Rosette Reyes, kalihim ng RONDA Balita; Florida Teodoro, ingat yaman ng News Watcher; Marcelino Gabe, auditor ng NewsCore; Anton Luigi Catindig, Sgt at arms ng NewsCore.

Ang mga Board of Directors ay sina Corsini Reyes ng News Catcher; Omar Padilla ng Pilipino Star Ngayon; Vhioly Arizala ng RONDA Balita; Manny Balbin ng PNA/RONDA; Rommel Manahan ng Rekta Balita at Manny Dela Cruz ng Mabuhay/RONDA Balita.

Ang Bulacan Press Club ang pinakamatandang samahan ng mga mamahayag sa lalawigan ng Bulacan at ang panunumpa ng mga bagong halal na pamunuan nito ay ginanap sa ika-67 taong anibersaryo ng samahan.

Ito ay itinatag nuong taong 1952 ni Emilio Bautista , kung saan isa rin ito sa mga nagtatag ng national press club nuong taon ding yon.

Ang Bulacan Press Club ay mayroong motto na “Hindi mabubusalan ang katotohanan” at nagging kaagapay ng mga Bulakenyo sap ag-asenso dahil sa mga makabuluhang pag-uulat ng mga kasapi nito sa pang araw-araw na kaganapan sa loob at labas ng probinsiya.

Ang mga opisyal nito ay mapalad na napasama sa pag-uwi sa mga labi ni Gat Marcelo H. del Pilar, na kilala sa bansag nito na ang Dakilang Propagandista at kinikilalang Ama ng mga Mamamahayag, sa bayan ng Bulakan na sinilanIangan nito nuong taong 1984 at nagsipagbigay pugay ng ihimlay ang mga labi nito sa kanyang bantayog na matatagpuan sa Cupang, San Nicolas, Bulakan, Bulacan.

Bukod kay Bautista, ang mga nagging pangulo ng Bulacan Press Club ay sina Atty. Jesus Matic ng Reflector; Jose Rey Munsayac ng Luzon Times, Perfecto Raymundo ng MABUHAY Lamberto Matic, Mar Punongbayan, Rodrigo Reyes NG People’s Journal, Jun Borlongan Abante, Joey Inot, Loren Banag, Chat Lazaro-Petallana,

Roy Reyes ng Bulacan News Catcher, Cecilio Franista ng Luzon Times, Carmela Reyes-Estrope ng Philippine Daily Inquirer in 2015 at Fredrick Silverio ng Manila Times. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here