Home Striker MAC ng San Rafael, patuloy ang ALS at livelihood sa mga detainee

MAC ng San Rafael, patuloy ang ALS at livelihood sa mga detainee

33
0
SHARE
An opinion column by Louie C. Angeles

UPANG higit na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga detainee sa San Rafael Municipal Jail, nagsagawa ang Municipal Advisory Council (MAC) sa pangunguna ng Vice Mayor Edison Veneracion bilang chairman ng MAC nang mahalagang proyektong pangkabuhayan tulad ng paggawa ng doormat at basahan.

Nabigyan din ng pagkakataong sumailalim sa Alternative Learning System (ALS) ang ilang detainee katuwang ang DepEd San Rafael at Pamahalaang Bayan sa tulong ni Mayor Cipriano Violago Jr., upang mabigyan ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng Edukasyon ang mga hindi nakapag-aral na detainee.

Maging ang mga surenderee na mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na nasa Bahay Pagbabago ay nabibigyan din ng kasanayan sa ibat-ibang training para sa pangkabuhayan na magagamit nila para kinabukasan ng kanilang pamilya at nang tuluyan na silang magbago at makaiwas sa masamang bisyo paglabas sa Bahay Pagbabago.

Ito ay ilan lamang sa mga proyektong isinasakatuparan ng MAC sa bayan ng San Rafael at buong suporta ni Mayor Goto. Na ang bawa’t mamamayang naliligaw ng landas at biktima ng iligal na droga ay mabigyan ng pagkakataon na makapagbago para sa magndang kinabukasan ng kanilang pamilya.

Kaya naman mula ng manungkulan si Mayor Goto, noong 2013 ay malakas na ang kampanya ng pamahalaang bayan kontra sa droga. Kaya naman kahit sino ang nakatalagang hepe ng pulis sa naturang bayan ay isa lamang ang utos ni Mayor Goto hulihin ang mga pusher at ipa-rehab ang mga drug addict sa buong san rafael.

Inaasahan din ng Municipal Advisory Council na patuloy na makikiisa ang lahat ng barangay sa mga proyekto ng MAC na maging maayos ang katahimikan at makakatugon sa adhikaing maging drug free ang lahat ng barangay sa bayan ng San rafael. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here