MAC San Rafael, isang pasasalamat

0
573
An opinion column by Louie C. Angeles

ISANG dakilang pasasalamat sa Municipal Advisory Council (MAC) ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael, Bulacan sa pagbibigay pagkilala at pagpapahalaga sa lahat ng miyembro ng MAC na sa loob ng dalawang taong pagsasama-sama sa gawain pang komunidad ng PNP Plan 2030.

Kay sarap isipin na sa pamamagitan ng magagandang adhikain ng bawat miyembro ng MAC mula sa iba’t-ibang samahan mula sa Sangguniang Bayan, punong barangay, kabataan, negosyante, religius organization, DepEd, media at Soroptomist International na laging handang umagapay sa proyekto sa mga mamamayan.  

Tanging maipagmamalaki ng MAC ay ang mga makabuluhang proyektong livelihood project para sa ilang detainee kung saan natuto silang maghanap buhay sa pamamagitan ng paggawa ng doormat, path holder, candle making, motor repair at iba pa.  Maging ang outreach program sa pagtulong sa biktima ng Taal Volcano at limang pamilya ng sunog sa Barangay Pantubig.  

Salamat din sa magandang pagtutulungan nila Mayor Cipriano Violago, Vice Mayor Edison Veneracion at Hepe ng PNP San Rafael na si P/LT. Col. Laurente Acquiot.  Kaya naman mabilis na nai-sakatuparan ang lahat ng mga proyekto ng MAC at higit sa lahat ang pakikipagtulungan ng bawa’t miyembro na may iisang adhikain ang tumulong sa komunidad.  

Tanging nag-iisang aktibo ang MAC San Rafael sa buong lalawigan ng Bulacan kaya naman angkop lamang na pinarangalang 1st Place na may pinakamahusay sa Municipal Level sa ginanap na 2nd Provincial Advisory Summit 2019 na ginanap sa Meycauayan City Convention Center.  

Kaya naman salamat sa bumubuo ng Municipal Advisory Council ng San Rafael, Bulacan.  Ipagpatuloy pa natin ang mga magagandang plano natin sa taong 2020 para sa bayan at mamamayan tungo sa magtagumpay ang PNP PATROL PLAN 2030. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here