Mag-ama at hipag timbog sa iligal na droga sa Malolos

0
539

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Arestado ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng nasabing lungsod ang mag-ama at hipag nito na hinihinalang mga “tulak” ng iligal na droga sa Barangay Caniogan kamakailan.

Sa ulat na isinumite kay Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Provincial Director ni Lt. Col. Jacquilene Puapo, Malolos City chief of police, ang isinagawang anti-illegal drug operation ng Malolos PNP ay kabilang sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na maigiting na ipinatutupad ng Bulacan Police Provincial Office sa buong lalawigan.  

Kinilala ang mga naaresto sa isinagawang buy-bust operation na sina Allan Basa, 49-anyos, anak nitong si Archie Basa, 32 at hipag na si Leonora Dela Cruz, 48, pawang mga residente ng Brgy. Caniogan sa Lungsod ng Malolos.  

Sa inisyal na imbestigasyon bandang ala-1:30 nang madaling-araw nung Huwebes (Sept. 17) nang ikasa ang buy-bust operation sa nabanggit na barangay kung saan matagumpay na nakabili ng shabu ang isa sa mga operatiba ng Malolos na nagsilbing poseur buyer.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang hulihin ng mga operatiba matapos ang naging transaksyon sa iligal na droga.

Nasamsam sa mga suspek ang ilang plastic sachet na naglalaman ng shabu na tinatayang tumitimbang ng 2 gramo at may kaukulang halagang P13,600 at P500 marked money na ginamit sa buy-bust ops.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprohensive  Dangerous Drug Act of 2002) at kasalukuyang nakadetine sa Malolos City lock-up cell. (RONDA BALITA Online)   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here