Home National News Mag-anak nasunog ang bahay sa Baclaran habang 2 kaanak dinampot sa buy-bust

Mag-anak nasunog ang bahay sa Baclaran habang 2 kaanak dinampot sa buy-bust

327
0
SHARE

PARANAQUE City — Doble ang naging dagok sa buhay ang sinapit ng isang mag-anak makaraang maabo ang kanilang bahay nang magkasunog sa Baclaran dito sa nasabing lungsod nung Martes ng madaling araw.

Sa salaysay ng biktimang si Justin Aranas, nasa hustong gulang, wala sila sa
kanilang bahay sa Bagong Lipunan St., Baclaran nang maganap ang sunog sa kanilang lugar.

Aniya, pinuntahan niya ang kanyang ama at tiyuhin sa police station ng kapwa madakip ng mga otoridad sa isang buy bust operation nang tumawag ang kanyang kapitbahay sa kanilang tiyahin na sinabing nasusunog ang
kanilang tinitirhang bahay.

Sinabi ni Aranas na humahanap pa sila ng perang pampiyansa para sa
nasabing mga kaanak subalit dali-dali silang umuwi upang may maisalba ang nasusunog nilang bahay.

Sa kasawiang-palad, mga damit at isang bintilador lamang ang kanilang naisalba sa naganap na sunog.

Sa kasalukayan ay inaalam pa ng mga otoridad ang pinag-ugatan ng naturang sunog at kung magkano ang halaga ng pinsala bagama’t wala namang naitalang nasugatan sa insidente. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here