Home Top Story Mag-asawa patay sa pamamaril sa Malolos City

Mag-asawa patay sa pamamaril sa Malolos City

31302
0
SHARE

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Patay ang isang mag-asawa makaraang pagbabarilin ng isang lalaki na lulan ng motorsiklo sa harap na kanilang bahay sa Maunlad Homes Subdvision, Barangay Mojon dito sa nasabing lungsod.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Alejo S. Santos, kinilala ang mga biktima na sina Christian Espiritu y Gulin, 38-anyos, businessman at ang asawa nitong si Mary Chris Espiritu y Ismil, 29-anyos, teacher at pawang nakatira sa Maunlad Homes Subd., sa nabanggit na barangay.

Naganap ang insidente nu’ng Linggo bandang alas-4:30 ng hapon at kaagad na nasawi ang lalaki habang habang binawian naman ng buhay ang asawa nito sa Bulacan Medical Center pasado alas-7:10 ng gabi.

Ayon sa nakasaksi ng krimen,  isang hindi pa nakikilalang lalaki na may suot na helmet at lulan ng motorsiklo ang bumangga sa sasakyan ng mga biktima na isang Mazda 2 sa harap ng kanilang bahay.

Nang malaman umano ng biktima ang insidente ay agad niyang kinompronta ang naturang lalaki ngunit mabilis itong bumunot ng baril at walang awang pinagbabaril ang mag-asawa at mabilis na tumakas.

Agad namang tinungo ng mga pulis ang pinagyarihan ng krimen nang mai-ulat sa police station ang nasabing pananambang.

Naabutan ng mga imbestigador na wala ng buhay ang lalaki habang mabilis na itinakbo sa Sacred Hospital ang asawa nito at kalaunan at dinala sa Bulacan Medical Center ngunit idineklara nang patay ng mga umasisteng doktor.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang pitong bala ng caliber 9mm.

Ayon sa mga imbestigador, isa sa anggulo nilang nakikita ay maaring alitan sa negosyo ang sanhi ng pamamaril dahil sa may-ari umano ng isang travel agency ang lalaki.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Malolos police upang matukoy at madakip ang may gawa ng naturang krimen. (RONDA Balita Online)

SHARE
Previous articleSM Hypermart Street Food Fest 2019 goes to Baliwag
Next articleArci Muñoz, hiniwalayan ang BF dahil sa pagmamahal sa ina
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here