Home National News Mag-asawang illegal recruiter sa Batangas, arestado

Mag-asawang illegal recruiter sa Batangas, arestado

1733
0
SHARE

CALACA, Batangas — Nadakip ang mag-asawang wanted sa mga kasong illegal recruitment, estafa, at violation of RA 10022 ng mga operatiba ng Calaca Municipal Police Station noong Miyerkules ng umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Rexner Malabanan, 53-anyos, electrician at ang asawa nitong si Victoria, 56, nakatira sa Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-7 ng umaga nang madakip ang mga suspek sa Montellano St., 6B, Alabang, Muntinlupa City sa pamamagitan ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Judge Cristino Judith ng Regional Trial Court, Branch 10, ng Balayan, Batangas para sa kasong illegal recruitment.

Nabatid din na may nakabinbin na arrest warrant sa Lucena City ang mag-asawa na inisyu ni Hon. Judge Dennis Galahad C. Orendin para sa kasong paglabag sa R.A. 10022.

Napag-alaman na taong 2013 nang pangakuan ng trabaho sa bansang Finland ng mga suspek ang mga biktima na sina Efrena De Sagun at Michelle De Sagun kapalit ng halagang P70,000 cash subalit napag-alaman sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na hindi rehistrado ang mga ito para mangalap ng manggagawa.

Pansamantalang nakakulong ang mga suspek sa Calaca lock-up cell. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here