Mag-ina ‘inararo’ ng 10-wheeler truck sa SJDM, patay!

0
337

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Patay ang isang 17-anyos na ina at ang kanyang 3 buwan na sanggol matapos araruhin ng isang 10-wheeler truck na may kargang back hoe ang residential area sa Brgy. Sto. Cristo, City of San Jose del Monte nu’ng Martes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, tumatahak ang nasabing truck papunta sa bayan ng Norzagaray ng mawalan ng kontrol ang driver nito na nakilalang si as Eliazar Lumawag, 43 anyos.

Inararo ng naturang 10-wheeler truck ang mga bahay, tindahan sa Brgy. Sto. Cristo kung saan nasagasaan ang mag-ina at sugatan ang siyam na iba pa.

Ang mga sugatan sa nasabing insidente ay mabilis na dinala sa Sapang Palay District Hospital.

Ang 10-wheeler truck ay pansamantalang nasa pangangalaga ng City of San Jose del Monte police habang ang driver nito ay agad na sumuko. (RONDA BALITA Online)

(Mga kuha ni Jose Erwin Bunag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here