Mag-inang Janine at Janella, may namumunong hidwaan!

0
576

ANOTHER case ng mother and daughter like Sharon Cuneta and KC Concepcion.

Ano kaya ang dahilan nang mag-inang Jenine Desiderio at ng young actress na si Janella Salvador.

Sa FB page ni Jenine ay may post siyang “if you expect unconditional love, stop & ask yourself truthfully if that’s also what you give. Family is not like a book that you pick up only when it’s convenient for you. Relationships need to be maintained.”

Magkagayun man kahit may hidwaan ang mag-ina, may payo pa rin si Jenine sa anak.

“Spare your time on those that love you unconditionally.

“Don’t waste it on those that only love you when the conditions are right for them.”

Ayon naman kay @love02728460 papano raw siyang maiintindihan ng anak kung parati daw niyang dina-downgrade si Janella.

“You also have shortcomings. God sees the way u talk to her, tell her to FIRE her driver, bash her on SocMed. UNFOLLOWING her. Ur daughter doesn’t feel safe around u.”

Mataray na sumagot ang inang singer: “If I talk you will all hate her. So please don’t provoke me.”

Wish ng followers ng mag-ina sana raw ay magbatina sila.

“Motherly love…differ in so many ways.”

Ano raw ba ang nangyari at umabot sila sa ganyan.

Ang iba namang netizen ay kinokondena si Jenine.

Noon pa raw talaga ganu’n ang singer habang ang anak niya ay nananahimik lang.

Nagtataka sila kung bakit ang laki raw ng galit ni Jenine kay Janella. Pero sana na lang daw ay ‘wag nang nilalabas sa social media kung personal na dahilan ng pamilya.

Komento pa ng isang netizen: “Karaniwan sa nanay nagtatakip sa pagkakamali ng anak etong si kumareng jenine eh mukhang tuwang tuwa pa at inaabangan ang pagbagsak ng anak.”

“She’s the mom, mas dapat na wag nya nang sirain sariling anak sa iba. Di naman kumikibo yung bagets eh. #justmyopinion”

Heto pa, ‘basher sya ng anak nya. SAD SO SO SAD!’

Totoo ba ito, huh.

Hay naku, iba na talaga ang henerasyon ngayon. Ina kontra anak.

Mabuti na lang ako kahit may mga hindi kami napagkakaunawaang mag-iina sa loob lang ng bahay namin ang problema.

Kasi nakalakihan ko ang laging sinasabi ng aking ama’t ina ‘ang problema ng pamilya ay hindi dapat inilalabas. Kayo ang magreresolba ng mga ito. Hangga’t kayang resolbahin gawin ninyo.” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here