Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan Mag-ingat sa kagat ng lamok. Mag-ingat sa Dengue!

Mag-ingat sa kagat ng lamok. Mag-ingat sa Dengue!

121
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

PATULOY sa paglobo ang bilang ng mga dengue victims sa lalawigan ng Ilocos Sur. Sa pagkakaalam ko ay umabot na sa 1,500 ang bilang ng mga naitalang biktima.

Kung hindi ako nagkakamali ay lima na ang naiulat na namatay. Ang rason, late na silang nadala ng ospital. Sinasabing nag-self medicate muna sila bago itinakbo sa ospital.

Ang balita ko pa, halos puno na ng mga pasyente ang mga ospital dito sa Ilocos Sur. Ang mga ibang biktima ay dinadala na sa Ilocos Taining and Regional Medical Center at sa Lorma Medical Center sa San Fernando, City La Union.

Kumpara sa naitalang bilang ng mga dengue victims noong nakaraang taon, higit na malaki ang bilang ng mga naitalang biktima ngayon.

Ayon kay Dr. Carmeliza Singson, Head ng Ilocos Sur Provincial Health Office, dapat kapag may miyembro ng pamilya na nilalagnat lalo na kung ito ay bata ay dalhin kaagad sa doktor para matingnan at maobserbahan bago maging huli ang lahat.

Ano nga ba ang Dengue? Ang dengue ay isang viral infection na kinakalat ng mga babaing Aedes mosquito. Ito ay nagiging sanhi ng malalang komplikasyon, pero ang maagang diagnosis at maagap na paggamot ay nakakapagligtas ng buhay. Ang mga unang sintomas ay nakikita 5-8 araw pagkatapos makagat. Ang mga malalang warning signs ay nakikita 3-7 araw pagkatapos lumabas ng unang sintomas.

Ang unang sintomas ng dengue ay ang pagkakaroon ng lagnat (40°C) na may kasamang 2 sa mga sumusunod: malalang sakit ng ulo, pananakit sa likod ng mata, skin rash, pagkahilo at pagsusuka, at pananakit ng muscles at joints.

Ang mga malalang sintomas ay: pagsusuka na may kasamang dugo, hirap sa paghinga, malalang pananakit ng abdomen, pagdurugo ng ilong,pagkahilo, mental confusion at seizures, at pamumutla, at pamamasa ng kamay at paa.

Dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga biktima ng dengue, sinabi ni Singson na mas paiigtingin pa ng Ilocos Sur Provincial Health Office ang kanilang information dissemination tungkol sa 4S ng Department of Health. Ang 4S ay ang Search and Destroy, Self-protection measures, Seek early consultation, at Say No to indiscriminate fogging.

Sa Candon City, naglunsad ng fogging sa lahat ng kabahayan ang City Health Office para siguraduhin ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Ang tanging maipapayo ko lang, mag-ingat. Pagamitin natin ang mga bata ng ‘off lotion.’ Ito ang magsisilbing proteksyon nila laban sa kagat ng lamok. Kung walang pambili ng off lotion, pagsuotin ng mahabang medyas ang bata, ibilin sa bata na lumayo sa mga kanal o anumang stagnant water, lalo sa hardin at playground, gumamit ng kulambo sa pagtulog.

‘Yun lang po. Sana, makatulong… (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article‘Menstrual Leave’ para sa mga female employees ng Vigan City, pinag-aaralan pa
Next articleSecurity Bank earnings rise to 32% in 2nd quarter of 2019
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here