Home EXTRAFONTS Mag-ingat sa kidlat

Mag-ingat sa kidlat

25
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

TUWING buwan ng Mayo bago pumasok ang tag-ulan ay nakararanas ng pulu-pulong pag-ulan ang iba’t ibang bahagi ng ating bansa na kung tawagin ay thunderstorm.

Ito ang uri ng ulan na bigla na lamang bumubuhos. Kapag may napansin kang pamumuo ng ulap o cumulus cloud, asahan na ang kasunod niyon, ang ulan, hangin, pagkidlat at pagkulog.

Mapanganib ang matatalim na kidlat, kasabay ng malakas na buhos ng ulan. Karaniwang nagiging biktima ng lightning strike ay mga magbubukid at mangingisda.

Halimbawang ang magsasaka ay inabot ng unos na may kaakibat na buhos ng ulan at pagkidlat sa gitna ng bukid, malaki ang posibilidad na tamaan ng kidlat ang magsasaka dahil siya lang ang mataas na naroon sa bukid.

Ang tinatarget kasi ng kidlat ay ang matataas na bagay tulad ng puno, poste at iba pang mga bagay. Kapag ang mangingisda naman ang inabot ng thunderstorm sa gitna ng ilog habang sakay ng bangka, malamang na tamaan din siya ng kidlat dahil siya lang ang mataas sa ibabaw ng tubig.

Malaking pagkakamali naman ang sumilong sa ilalim ng punongkahoy kapag umuulan at kumikidlat dahil kapa tinamaan ng kidlat ang puno, ang malakas na boltahe na dulot ng kidlat ay gagapang sa katawan ng biktima na maaari niyang ikamatay

Ang lakas na taglay ng bawat strike ng kidlat ay umaabot sa sampu hanggang sandaang milyong boltahe. Sapat ang lakas na ito upang pumatay ng tao o hayop man kapag nahagip ng malakas na boltahe ng kuryente dulot ng kidlat.

Kaya kaiingat ang sinoman dahil panahon ng pagkidlat ngayong buwan ng Mayo. Makabubuting manatili na lamang sa loob ng bahay o alinmang ligtas na lugar sa oras na nananalasa ang matatalim na kidlat.

Kamakailan ay may mga taong timamaan ng kidlat sa lalawigan ng Camarines Sur. Patay on the spot ang mga biktima dahil napuruhan sila ng matalim na pagguhit ng kidlat. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleR.A. 11261, malaking tulong sa mga first time job seekers
Next article146 kilos ng shabu galing sa Cambodia nasabat sa Malabon — PDEA
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here