Home Rebelasyon Maganda raw ang dalang kapalaran ng 2018 Year of the Dog

Maganda raw ang dalang kapalaran ng 2018 Year of the Dog

542
0
SHARE

ANG mga tradisyon at kaugaliang ginagawa natin sa tuwing magpapalit ang taon ay mga paniniwalang kinagisnan na natin mula pa sa noon sa ating mga ninuno; At kasama na rin sa mga tradisyon at paniniwalang ito ay ang salubungin natin ang isang  papasok na bagong taon sa pamamagitan ng ibat ibang mga ingay upang huwag daw makalapit ang mga masamang espiritu o mga bad elements sa ating pamumuhay.

At siyempre, hindi rin nawawala dito ang paggamit natin ng mga paputok at pailaw, na isang tradisyong minana pa natin sa mga kapatid nating Tsinoy. Gayundin ang paghahain ng may 13 ibat ibang uri ng mga purtas sa ating mga hapag kainan na ayon pa rin sa paniniwala ay magdadala sa atin ng swerte.

Katulad rin ‘yan ng ating paniniwala sa astrology-  isang agham ng paniniwala o tradisyon na bumabasa sa mga kilos at galaw ng mga bituin, ng araw, ng buwan at ng iba pang mga katangiang nasa kalawakan ng ating daigdig. Naapektuhan daw ng astrology ang kaayusan ng sanlibutan, maging ang buhay at ang personalidad ng bawat tao.

Ang horoscope o kapalaran ang pinakamagandang halimbawa ng astrology dahil sa western horoscope ay mayroong labindalawang simbulo na nagpapakilala sa kapanganakan ng isang tao, at ito rin ang nagiging batayan ng mga nangyari at ng mga mangyayari pa raw sa buhay ng mga tao. Pero ngayon ay naging labintatlo na ang horoscope nito, dahil daw sa pagkakadiskubre ng isa pang konstelasyon.

Pero mas pinaniniwalaan daw ng marami ang Chinese Horoscope na may labindalawang mga hayop na sumasagisag sa bawat taon sa sinasabing malaki rin daw ang impluwensiya sa buhay ng bawat isang taong nabubuhay sa ibabaw ng lupa.

Sa mga hayop daw na ito nakasalalay ang magiging suwerte o kamalasan ng tao sa bawat taon.  Kaya nga kapag malapit ng magpalit ang taon ay mabiling mabili  ang mga nagkalat na horoscope magasin sa mga news stand, at maging sa mga TV Station ay nagiging paksa rin ang kapalarang dala ng papasok na bagong taon.

Ipinapayo ng mga kaibigan nating Chinese Astrology  na dapat daw ay alam din natin ang ating mga zodiac sign sa Chinese Horoscope dahil makatutulong rin daw ito sa ating kaalaman tungkol sa ating magiging kapalaran sa pagpasok ng “Year of the Dog”

“Shengdan Kuaile, Xinnian Kuaile Quanbu.”

SHARE
Previous articleKooperatiba, tumatanggap ng sanla sa hindi awtorisadong tao
Next articleMedia Fellowship ng ‘Kaugnay’ sa Fort Magsaysay, naging matagumpay
EFREN Alcantara Fischer known as “Efren Alcantara” in his pen name, was started practicing by possession as radio reporter of DZTM- AM Radio since 1969 during his college year at the Lyceum of the Philippines. He owned a program “Ang Tinig ng Bulacan” over DWRT AM Radio, “Bangon Bayan” over DWAN- TV13 with Cezar Gregorio and Lingap sa Maralita with Oscar Cruz over DZME- 1530. Until he joined as one of Radio Correspondent of RMN- DZXL Radio assigned in Bulacan where he retired after 25 years in service. He also served as TV Reporter of CLTV 36 in Region 3 and recognized four times as Best Provincial Correspondent of the year of the Bulacan Government. He was also a former newswriter of a three national daily tabloid newspaper namely Dyaryo Bongga, Text Balita and Pilipino Star Ngayon. Presently he managed and control small audio video productions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here