Magandang balita hatid ni DE Ramiro M. Cruz

0
110

SA haba na ng pagtitiis ng mga re­sidente ng Marilao at mga kalapit bayan ay wawakasan na ito ng mahusay na DPWH District Engr. Romiro M. Cruz ng 2nd District Engineering Office ang matagal ng parusa na konting ulan ay bumabaha agad ang harapan ng kilalang mall na nagiging sanhi ng trapiko.

Ayon sa masipag na district engineer ito ay may badget na sa halagang P100 million mula ito sa pakikipagtulungan ni Congresswoman Linabelle Villarica na ngayon ay Meycauayan mayor na.

Aniya, maaaring sa susunod na rainy season ay maginhawa na rin ang mararanasan ng mga dumadaan dito. Aayusin nila ang drainage system at ang kalsada nito ng sa gayon mapawi na ang pagkadismaya sa matinding baha ang mga Bulakenyo.

Mayor Joni Villanueva ng Bocaue, singer na mayor pa!

NAGDAOS kamakailan ng “GABI NG MUSIKA” ang bayan ng Bocaue mula sa isang Linggong okasyon ng kanilang kapistahan ng Mahal na Krus sa Wawa naging panauhin nila ang sikat na Philharmonic Orchestra na siyang humarana sa mga manonood.

Nakakahalina ang kanilang mga tinugtug at lalong nagpatingkad pa ng naghandog ng awitin ang butihing Mayor Joni Villanueva sa awiting pinasikat ni Rey Valera na Maging Sino Ka Man.

Humanga ako sa ganda ng boses ng alkalde akala ko may artistang kumakanta sa harap ng entablado, akalain mo si Mayor Joni pala.

Naging panauhin pandangal din ang sariling atin at mas kilala sa tawag na TESDA MAN na ngayon ay senador na. Aniya, hinding-hindi niya pababayaan ang bayan ng Bocaue at higit sa lahat ang lalawigan ng Bulacan habang siya ay nanunungkulan bilang isang senador.

Mapalad ang bayan ng Bocaue sapagkat dalawang Villanueva ang kaagapay nila sa mas lalong pag-unlad ng kanilang bayan.

Doña Remedios Trinidad, mas palalawakin ang scholarship program

NAKASENTRO ngayon ang bagong alkalde ng DRT na si Mayor Marita Flores sa mga estudyante at mas lalo pa umanong palalawakin ang kanyang scholarship program para mabigyan ng pagkakataon ang mga batang mag-aaral na makapagtapos ng pag-aaral.

Maging ang mga high shool students ay binibigyan ng pagkakataon upang maka-graduate ito at makatuntong ng kolehiyo.

Kasam di sa pagtutuunan ng pansin ni Mayor Marie ang mga senior citizen na pawang inaalagaan niya at laging may nakalaan na tulong na matatanggap buwan-buwan.

Maasikaso ang butihing mayora at laging nakangiti sa mga lumalapit para humingi ng tulong. Aniya, lahat po kayo ay tutulungan sa abot ng aking makakaya.

Samantala todo-suporta naman sa kanya ang kanyang kabiyak na ngayon ay Vice Mayor na na si Ronaldo T. Flores. Magtutulong ang mag asawa na lalong pag-iibayuhin ang pag-unlad ng bayan ng DRT.

Baliwag, umaarangkada sa pagsugpo ng bawal na gamot

TILA yata ayaw ng paawat sa pagsugpo ng ipinagbabawal na gamot ang bayan ng Baliwag sa pangungna mismo ni Mayor Ferdie Estrella. Halos dalawang magkasunod na operasyon ang natimbog at malalaking halaga ang nasamsam ng mga kapulisan.

Kamakailan lang lang ay nakadale ang Baliwag police ng shabu na nagkakahalaga ng P4.2 milyon at may timbang na 611.75 grams sa Barangay Poblacion mula sa tatlong suspek na sina John Peter Cruz alias Bunso, Melchor at Raffy Ann Dinubi na kasalukuyan nakakulong,

Samantala, ayon kay Mayor Ferdie Estrella tatlong barangay na nasabing bayan ang “Cleared Barangay” o tahasang sinabi ng alkalde na zero-drugs na. Ito ang mga barangay ng Paitan, Hinukay at Matang Tubig. Sisikapin umano ni Mayor Estrella na maging drug-free town ang bayan ng Baliwag. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here