Home National News Magbabantay sa halalan sa Mayo 14, may matatanggap na umento — Comelec

Magbabantay sa halalan sa Mayo 14, may matatanggap na umento — Comelec

224
0
SHARE

TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na matatanggap ng mga magtatrabaho sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Mayo14 ang kanilang mga sahod at may karagdagdagang umento.

Ayon sa poll body sakaling matapos na ng mga manggagawa ang kanilang election duties ay matatanggap na ang kanilang buong sahod na aabot sa P3,000 hanggang P7,000.

Sa ilalim kasi ng R.A. 10756 o Election Service Reform Act, makatatanggap ng honorarium ang bawat magtatratrabaho sa halalan.

Kabilang dito ang Chairperson of Electoral Boards na tatangap ng halagang P6,000, miyembro ng Electoral Boards ng P5,000, Department of Education Supervisor Official (DESO) P4,000 at Support Staff P2,000

Makatatatanggap din ng travel allowance ang bawat isa ng P1,000.

Nabatid na babayaran ang honorarium at travel allowances sa pamamagitan ng ‘cash’ o ‘card cash’ ng Development Bank of the Philippines (DBP).

Habang mayroon namang withholding tax na 5 porsyento ang kikitain ng bawat election worker alinsunod sa Bureau of Internal Revenue (BIR) Ruling No. 003-08. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here