Home EXTRAFONTS Maghanda-handa sa pagpasok ng summer

Maghanda-handa sa pagpasok ng summer

30
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

NASIYAHAN tayo sa malamig na panahon na ating naranasan mula buwan ng Disyembre hanggang nitong nakaraang Enero at may nalalabi pang lamig sa unang bahagi ng Pebrero.

Ang tag-araw ay nagpaparamdam sa kalahatian ng Pebrero dahil unti-unting humihina ang amihan at ang pumapalit ay ang eaaterlies, ang hanging-silangan na nagmumula sa Dagat Pasipiko.

Kapag lubos na napawi ang amihan, mananatili ang easterlies at ang weather system na ito ang magdudulot ng mainit at tuyong hangin kaya sa pagpasok ng buwan ng Marso ay mararamdaman na natin ang mainit na klima na umaabot ng 36 degrees Celsius dito sa Bulacan na kung minsan ay umaabot ng 40 degrees ang init-factor.

Dahil diyan, idinedeklara ng PAGASA ang panahon ng tag-araw tuwing buwan ng Marso. Dahil mainit, tumataas ang konsumo sa kuryente. Palaging umaandar sa gabit at araw ang aircon at electric fan. Malakas din ang konsumo sa tubig dahil sa dalas ng paliligo upang maibsan ang init na ating nararamdaman sa buong maghapon.

Dahil sa nalalapit na panahon ng tag-init, ibayong pag-iingat ang dapat gawin upang kung dumating na ang tag-araw ay mapaghahandaan na natin ang sunog. Hindi lang iyan, dapat ding palakasin ang ating mga immune system upang hindi tayo dapuan ng mga karamdamang nauuso tuwing summer.

Dahil malapit na ang summer season, magagamit na muli ang mga nakatabing rash guard o swimwear dahil muli na namang dadako sa beach ang mga kababayan nating mahilig maligo sa dagat upang magtampisaw sa malamig na tubig ng dagat.

Pero huwag masyadong magbibilad araw dahil may peligrong dulot ang mainit na panahon. Kapag kulang sa tubig ang katawan dahil sa pagpapawis ay baka tamaan kayo ng heat stroke kaya dapat na nagbabaon ng tubig tuwing lalabas ng bahay upang makaiwas sa heat stroke.

Panahon din ng sunog ngayon kaya gawin ang ibayong paghahanda upang hindi tayo mabulaga ng sakuna. May kasabihan tayo na sampung beses ka mang manakawan, huwag lang masunugan ng minsan. Hindi madaling magpundar ng bahay.

Dahil mainit ang klima pati ang ulo ng mga tao ay umiinit din kaya dumarami ang awayan sa lansangan na kinasasangkutan ng mga tsuper na iritado sa mainit na panahon. Mahirap kasing mabilad sa araw lalo kung nasa gitna ka ng masikip na daloy ng trapiko.

Kaya iwasang uminit ang ulo upang makaiwas sa basagulo. Cool ka lang kung naiipit ka man sa trapik. Baka ikaw ay may alta presyon ay tiyak na tataas ang iyong blood pressure kung ikaw ay palaging nagagalit. Magpakahinahon at tularan ang mga taong hindi magagalitin at pasensiyoso pang sumaya anh buhay mo. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleMartial Law at checkpoint palpak; kapulisan at sundalo, walang binatbat!
Next articlePebrero: Buwan ng Pag-Ibig
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here