Magkakamag-anak pinagtataga habang natutulog; 2 patay, 1 kritikal

0
157

ILOCOS SUR — Patay ang dalawa habang nasa kritikal na kalagayan sa loob ng hospital ang tatlong magkakamag-anak na pinagtataga ng hindi nakilalang salarin nung madaling araw ng Biyernes (May 17) sa isang farm sa Brgy. Besalan, Sta. Cruz ng lalawigang ito.

Kinilala ng Sta. Cruz-PNP ang mga nasawi na sina: Loreto Sanchez Carbonel, 46 anyos, walang asawa, ng Brgy. Besalan at Jerome Ragudo Domingo, 29 anyos, binata, ng Brgy. Camanggaan habang nasa bingit pa rin ng kamatayan si Johnwin Hagunos Carbonel, 13 anyos, isang estudyante na nakatira sa Brgy. Besalan.

Base sa imbestigasyon, bandang 6:30 ng umaga noong Biyernes nang makatanggap ang nasabing PNP station ng report mula sa isang nagngangalang Leo Carbonel tungkol sa nangyaring krimen sa Brgy. Besalan.

Nabatid na nang dumating ang mga pulis sa crime scene, patay na sina Loreto at Jerome dahil sa napakaraming sugat sa ulo at katawan na tinamo nila. Maging si Jerome ay ganoon din karami ang tinamo nitong sugat pero masuwerteng humihinga pa nang datnan ng mga pulis kaya agad itong dinala sa Ilocos Sur District Hospital sa Sta. Lucia, Ilocos Sur pero agad ding inilipat sa Ilocos Training Regional and Medical Center sa San Fernando City, La Union.

Lumalabas na masarap na natutulog ang tatlo sa kanilang mga sari-sariling duyan sa loob ng farm na pag-aari ng isa nilang kamag-anak nang atakehin at pagtatagain sila ng hindi nakilalang suspek.

Base sa medico legal na tumingin sa bangkay ng mga nasawi, tinatayang nasa mga oras na ala una pataas hanggang alas tres nangyari ang krimen.

Ang tatlo ay madalas na natutulog sa naturang farm dahil sila ang mga nagsisilbing tagabantay dito.

Ayon sa Sta. Cruz-PNP, wala namang naiulat na nawawala sa loob ng farm kaya ang hinala nila ay posibleng ang tatlong biktima talaga ang pakay ng suspek sa hindi pa malaman na rason sa ngayon.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Sta. Cruz-PNP para sa ikalulutas ng naturang krimen. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here