Home National News Magkapatid na mayor at municipal councilor sa Sinait, isasailalim sa security assessment

Magkapatid na mayor at municipal councilor sa Sinait, isasailalim sa security assessment

69
0
SHARE

VIGAN CITY — Isasailalim sa security assessment si Mayor Glen Guzman ng Sinait Ilocos Sur at ang kapatid nitong si Sangguniang Bayan Member Blen Guzman para malaman kung may mga nangyayari bang pagbabanta sa buhay ng dalawang municipal officials.

Ito ay matapos na ang mga miyembro ng PNP ay may nakuhang litrato ng magkapatid mula sa isa sa mga dalawang nasawing hinihinalang miyembro ng Benzon-Alviento gun-for-hire group na naka-engkuwentro ng mga miyembro ng pulisya noong gabi ng January 8 sa Sitio Balaywak, Brgy. Pug-os, Cabugao.

Sa interview ng media kay Police Chief Superintendent Romulo Sapitula, ang Regional Director ng Police Regional Office 1, ang mga intelligence officers ay nagsasagawa ngayon ng isang masusing imbestigasyon para alamin kung ano ang posibleng rason kung bakit may hawak na litrato ng magkapatid na opisyal ang mga napatay na suspek.

Ayon sa naturang opisyal, ang nangyaring engkuwentro ng Ilocos Sur PNP laban sa dalawang hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group noong January 8 ay patunay lamang na ginagawa ng PNP ang kanilang trabaho lalo na ang hulihin at sugpuin ang mga taong binabayaran ng ilang pulitiko para ipapatay ang mga makakalaban nila sa pulitika sa nalalapit na 2019 mid term election. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePRRD graces groundbreaking of school buildings in Bulacan
Next article2 miyembro ng gun-for-hire group, todas sa engkuwentro
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here