Home National News Magkapatid sinaksak ng kainuman ng ama; 1 patay, 1 sugatan

Magkapatid sinaksak ng kainuman ng ama; 1 patay, 1 sugatan

10
0
SHARE

LAOAG CITY — Patay ang isang binata habang sugatan ang kapatid nito ng saksakin sila ng kainuman ng kanilang ama Miyerkules ng gabi (Nov. 7) sa Sitio Pamalian, Barangay 57, Pila ng naturang lungsod.

Kinilala ng Laoag-PNP ang nasawi na si Vincent Magaoang, 19 anyos, habang sugatan ang nakatatandang kapatid nito na si Klein Magaoang.

Bago ang insidente, ang tatay ng mga biktima at ang suspek na si Jenesor Tamayo, residente rin ng nasabing lugar ay masayang nag-iinuman at nang tumagal ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila.

Nabatid na umuwi si Tamayo at makaraan ang ilang sandali ay muling nagbalik. Nang makita siya ni Vincent, nagkaroon ng kumprontasyon sa pagitan ng dalawa.

Sa kalagitnaan ng kumprontasyon ay bumunot ng patalim ang suspek at sinakasak sa kanang balikat ang biktima.

Nang makita ni Klein ang pangyayari, agad siyang sumaklolo sa kanyang kapatid ngunit sinaksak din siya ng suspek na tumama naman sa kanyang kaliwang kamay.

Agad na isinugod sa Governor Roque Ablan Senior Memorial Hospital sa naturang lungsod ang magkapatid pero idineklarang patay na si Vincent.

Ang suspek na agad na tumakas ay pinaghahanap ngayon ng Laoag-PNP. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleTop 1 most wanted sa Ilocos Sur nanlaban, dedo
Next articleLalaki ‘comatose” ng tumalon mula sa truck sa La Union
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here