Maglolo namigay ng dressed chicken; ‘rolling talipapa’ umikot sa Brgy. Matungao

0
4184
Sinuyod mismo ni Tatang Tony Cruz kasama ang kanyang apo na si Brgy. Matungao SK Chairman Aron Cruz ang lahat ng bahay sa Brgy. Matungao

BULAKAN, Bulacan — Tinatayang 4,000 piraso ng humigit kumulang isang kilo ng dressed chicken ang ipinamigay ng isang kilalang pamilya habang nag-ikot na rin ang rolling store sa kasagsagan ng locked down dahil sa COVID-19 sa Brgy. Matungao kamakailan.

Pinangunahan mismo nina Tatang Tony Cruz at kanyang mga apong sina SK chairman Aron Cruz at Mikee Cruz kapwa tubong Brgy. Matungao ang pamimigay ng manok sa lahat ng residente ng naturang barangay,

Isa-isang sinuyod nila ang bawat bahay sa loob ng dalawang araw para tiyaking mabibigyan ang lahat ng simpleng tulong.

Kilala ang pamilya Cruz lalo na si Tatang Tony na mabait, matulungin at simpleng mamamayan ng Matungao.

Pinasalamatan naman ang pamilya Cruz ng mga residente dahil malaking tulong sa kanila ang ibinigay na manok sa kanilang tanghalian.

Walang pinipili ang binibigyan ng naturang tulong dahil pinuntahan nila mismo mula Sitio ng Hangga at Dulong Barrio ng naturang barangay para bigyan ng manok.

Samantala, nag-umpisa nang mag-ikot ang rolling store truck ng Task Force “Matung” o Matungao sa buong barangay na may samut-saring paninda.

Ideya umano ito ni Brgy. Matungao Chairwoman Melyn Nahil ang Rolling Store upang hindi na lumabas ang mga residente sa kanilang mga bahay simula nang pairalin ang enhanced community quarantine ang lugar matapos may isang nagpositibo sa COVID-19.

Presyong palengke at istilong talipapa ang mga panindang karne at gulay ni Aling Loida Palomarez na nakasampa sa kanyang rolling store truck.

Tinatapatan nila ang bawat bahay para hindi magsiksikan at masunod ang social distancing sa lugar.

Malaking tulong umano ang rolling store sa mga residente lalo na sa kanilang hapag-kaninan habang naka-quaratine ang naturang barangay, (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here