Home National News Magnanakaw sa Dasmariñas City Hall, arestado

Magnanakaw sa Dasmariñas City Hall, arestado

411
0
SHARE

DASMARIÑAS, Cavite — Arestado ang isang 30-anyos na lalaki makaraang mahuli sa akto na ninanakaw ang mga dokumento ng mga prangkisa para sa mga tricycle sa loob ng opisina ng Tricycle Regulatory Unit (TRU) Dasmarinas City Hall.

Kinilala ang suspek na si Danny Pillar, residente ng Excess Lot, Brgy. Zone 4 sa nasabing bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, naaktuhan ni Maricel Ariciaga, 34, Unit Clerk at residente ng No. 33 J. Ramirez St., Brgy. Zone 1, empleyado city hall sa Tricycle Regulatory Unit (TRU), bandang alas-7:45 ng umaga nu’ng Miyerkules ang suspek na ninanakaw ang mga nasambit na dokumento na nagkakahalaga ng P250,000.

Ayon sa Dasmariñas City Police Station bandang ala-1 ng hapon ng dalhin sa istasyon ni Chief Tanod Arnold Calinawan ng Brgy. San Jose ng nasabing bayan para isuko ang naturang suspek.

Pansamantalang nakadetine si Pillar sa Dasmarinas City Lock up cell habang inihahanda ang kasong kanyang kakaharapin. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here