Home EXTRAFONTS Mahalaga ang makinarya sa pulitika

Mahalaga ang makinarya sa pulitika

20
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

DITO sa Pilipinas, ang larangan ng pulitika ay masusing pinaghahandaan ng mga pulitikong sumisingkaw sa labanan ng mga datihan at mga bagitong pulitiko.

Sabi nila, marumi raw ang pulitika. Pero kung ako ang tatanungin, hindi ang pulitika ang marumi kungdi ang mga pulitikong nagpaparumi sa naturang larangan.

Ang pulitika sa madaling salita ay sistema na ginagamit sa pagpapalit ng mga namumuno sa gobyerno sa pamamagitan ng boto ng mga botante. Kaya nasa kamay ng mamamayan ang kapalaran ng bawat kandidato.

Ang mga botante ay binibigyan ng laya na pumili ng mga kandidato na kanilang ihahalal. Ang bawat mamamayan na rehistrado sa Comelec ay may tungkulin na makilahok sa political exercise midterm man o national elections na isinasagawa sa ating bansa.

Pero ang kalayaan sa pagboto ay nababahiran ng katiwalian kapag umiral ang ‘pulitika ng pera’. Kaya ang labanan sa pulitika ay nagiging marumi kapag ang pera ay ginamit na pansuhol sa mga botante upang makatiyak sila ng panalo.

Ito namang mga bo­tante na walang prinsipyo, walang konsiyensiya ay ipinagbibili ang kanilang mga karapatan sa pagboto kaya ang labanan sa pulitika ay dumudumi. Palibhasa ay nakagisnan na ng kasalukuyang henerasyon ang pulitika ng pera, nasanay na rin sila na lumahok sa marumimg laro.

Ang ikinakatwiran nila ay tuwing ikatlong taon lang daw sila kung suyuin ng mga pulitikong tuso kaya sinasamantala na nila ang pagkakataon kaya hindi matapus-tapos ang istorya ng “vote buying” at “vote selling.’’
Kaya mahalaga ang makinarya sa pulitika at ito ang pinatitibay ng bawat pulitiko kaya marami sa kanila ang hindi kayang tagtagin sa puwesto, maliban na lamang kung talagang ayaw na sa kanila o isinusuka na sila ng mamamayan.

Nitong nakaraang midterm elections, masasabi ba ng marami na malinis at hindi nasaputan ng kabulastugan ang nakaraang halalan? Wala namang aaming botante na nagbenta sila ng boto at lalong hindi aamin ang mga kandidatong tuso na nagsagawa sila ng vote buying sa kani-kanilang balwarte noong nakaraang halalan. Sa kabilang banda, may mga kandidato rin na naman na nagwagi sa halalan sa malinis na paraan.

Kaya iyang political machinery ay mahalagang factor dahil kung mahina ang makinarya ng kandidato at ang mga kinuhang coordinator ay pawang mga panulak, walang tao o grupo na aayuda sa kanilang manok na kandidato.

Kaya naman ay mga datihang lider na wala pang naipapanalong kandidato ay mamalasin talaga ang pulitikong bagito sa malawak na larangan ng pulitika sa eleksiyon dahil sa palpak na coordinators at political advicers.

May mga coordinator kasi na gusto lang kumita at wala sa puso ang pagsuporta sa kanilang hawak na kandidato. Eh kung magaling sa maniobra ang kalabang kandidato ay magagawa niyang idiskaril ang tranvia ng kanyang katunggali na parehas kung lumaban

Pero hindi sa lahat ng panahon ay palaging nasa itaas ang pulitikong tuso dahil hindi pang habangbuhay ang pagluklok sa poder ng kapangyarihan. Kung paanong napaparam ang amihan sa kanyang kapanahunan ay saka naman iiral ang habagat na may puwersang taglay. Wika nga, better luck next time. Darating din ang pagsikat ng iyong araw.

Kaya naman ay mga datihang lider na wala pang naipapanalong kandidato ay mamalasin talaga ang pulitikong bagito sa malawak na larangan ng pulitika sa eleksiyon dahil sa palpak na coordinators at political advicers.

May mga coordinator kasi na gusto lang kumita at wala sa puso ang pagsuporta sa kanilang hawak na kandidato. Eh kung magaling sa maniobra ang kalabang kandidato ay magagawa niyang idiskaril ang tranvia ng kanyang katunggali na parehas kung lumaban

Pero hindi sa lahat ng panahon ay palaging nasa itaas ang pulitikong tuso dahil hindi pang habangbuhay ang pagluklok sa poder ng kapangyarihan. Kung paanong napaparam ang amihan sa kanyang kapanahunan ay saka naman iiral ang habagat na may puwersang taglay. Wika nga, better luck next time. Darating din ang pagsikat ng iyong araw. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleMayor Jessie de Jesus, itutuloy ang ikatlong termino ng paglilingkod!
Next articleMakulay, masaya na Buntal Festival sa Baliwag
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here