Home EXTRAFONTS Mahalaga ang pagamutang bayan

Mahalaga ang pagamutang bayan

38
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

KUNG kayo ay napapagawi ng Bulacan Medical Center, napakaraming pasyente ang dinadala sa pagamutang iyon. Ang mga pasyente ay buhat sa iba’t ibang bayan sa Bulacan. Mga pasyente na walang kakayahang magpagamot sa pribadong ospital.

Hindi biro ang maghatid ng pasyente sa BMC lalo na kung ang maysakit ay seryoso ang kundisyon. Pansamantala muna siyang ihihimpil sa emergency room upang doon ay obserbahan.

Halimbawang ang pasyente ay ilang araw ng hindi bumababa ang lagnat sa loob ng ilang araw, bagov dalhin sa BMC, kukuhanan muna siya ng blood sample upang alamin sa laboratoryo kung may dengue ang pasyente lalo na kung bata ang maysakit.

Hindi madali ang paglabas ng resulta ng blood test. Malamang na abutin ng isa hanggang dalawang ang ipaghihintay ng kaanak ng pasyente bago makuha ang resulta ng pagsusuri sa laboratoryo at kung magpositibo sa dengue ang pasyente ay saka pa lamang ililipat ng ward ang pasyente.

Kung walang bakanteng kwarto para sa mga bagong pasyente, malamang na sa pasilyo ng ospital manatili ‘pangsamantagal’ ang pobreng pasyente. Nangyayari ang ganyang senaryo sa BMC.

Kaya ko ito pinaksa, panahon na marahil para magtayo ng mga pampublikong ospital sa bawat bayan. Tamang mayroong ilang district hospital ang lalawigan ng Bulacan, pero bakit sa BMC pa dinadala ang mga pasyente sa mga bayan na mayroong district hospital?

Malamang na mayroong problema sa mga district hospital na iyan. Una, ang duktor na titingin sa mga pasyente. Laboratory equipments, medical equipments tulad ng xray machine, MRI scanner, 2D echo machine at iba pa.

Hindi madali ang magpundar ng mga kagamitang iyan dahil mangangailangan ng malaking pondong pangsweldo para sa resident doctors, nurses at hospital staff kaya hindi rin madali ang pagtatayo ng public hospital sa bawat bayan sa Bulacan dahil sa mga pangangailangang iyan.

Minsan kong narinig ang talumpati ng kumakandidato sa pagkagobernador ng Bulacan, si Atty Christian “Agila” Natividad, na sisikapin niyang magkaroon ng maraming pampublikong pagamutan sa iba’t ibang panig ng Bulacan upang hindi magsisiksikan ang mga pasyente sa Bulacan Medical Center kapag siya ay pinalad na manalo bilang ama ng lalawigan.

Marahil ay nakaprograma na kay Atty Agila ang mga pamamaraan kung papaano magtatayo ng maraming pagamutan sa mga munisipalidad at mga lungsod sa Bulacan na kumpleto sa pasilidad. Kaya niya marahil na maglagay ng mga pasasahuring mga duktor at mga narses sa bawat public hospital na kanyang ipatatayo.

Magagawa din niyang lagyan ng mga aparatong pangmedikal tulad ng mga kagamitang nabanggit ang mga pagamutan ma kanyang ipatatayo kapag siya ay nahalal na punong lalawigan ng Bulacan.

Sabi nga ni Atty Agila, masusubok lamang ang kanyang angking kakayahan kung ibibigay ng mga botanteng Bulakenyo ang tiwala sa kanya bilang gobernador ng Bulacan sa halalan sa Mayo13, 2019

Mas ikagiginhawa ng mga pasyente ang pagkakaroon ng public hospital sa kanilang bayan o siyudad. Hindi na sila makikipagsiksikan pa sa BMC. Pero mangyayari ba ang ganitong plano?

Subukan ninyong iboto si Atty Agila, para mapatunayan na totoo at tapat siya sa kanyang mga pangako.

Sabi pa niya, walang babayaran ang mga pasyenteng mako-confine sa pangarap niyang public hospital. Libre aniya ang gamot at serbisyo kaya kaginhawahan ang maghihintay sa mga pasyenteng makikinabang sa mga itatayong pagamutang pambayan at maisasakatuparan lamang ang mga pangarap na iyan kung mahahalal ng punong lalawigan si Atty Agila. Subukin ninyo ang kanyang hamon.

SHARE
Previous article69th Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, now accepting entries
Next articleGKA 2019 nomination now open
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here