Home National News ‘Mahirap talaga kayong pantayan’– House Speaker Arroyo to Bulacan Coops

‘Mahirap talaga kayong pantayan’– House Speaker Arroyo to Bulacan Coops

51
0
SHARE
Nagpakuha ng larawan si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kasama sina Nanunuparang Gobernador Daniel R. Fernando at Kinatawan ng Unang Distrito Jose Antonio R. Sy-Alvarado matapos niyang tanggapin ang kanyang katibayan ng pagpapahalaga bilang panauhing pandangal sa ginanap na Gawad Galing Kooperatiba awarding ceremony sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon. Makikita rin sa larawan sina (mula kaliwa) Bokal Allan Ray Baluyut, Therese Cheryll Ople, Emelita Viceo at Allan Andan. Kuha ni Mark Ismil

LUNGSOD NG MALOLOS – “Napakagaling talaga ng mga Bulakenyo, lalo na ng inyong mga kooperatiba, mahirap talaga kayong pantayan, mahirap pantayan ang record ninyo,” ani Gloria Macapagal Arroyo, Speaker of the House of Representatives sa ginanap na Gawad Galing Kooperatiba 2018 awarding ceremony na may temang Cooperative: Partners for building Resilient and Empowered Communities towards a Better and Stronger Communities na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito kahapon.

Sinabi pa ni Arroyo na ito ang dahilan kung bakit umaani ng parangal ang Bulacan pagdating sa koperatiba at higit sa parangal, ang halos 800 na mga kooperatiba kung saan miyembro ang 20 porsyento ng mga mamamayan ng Bulacan ay patuloy na nag-aambag sa pag-unlad ng ekonomiya.

Sinamahan ng dating pangulo ng Pilipinas at kasalukuyang house speaker si Nanunuparang Gobernador Daniel R. Fernando sa paggagawad ng parangal sa Samahang Kapatirang Kababaihan ng Pulilan Multi-Purpose Cooperative na nagwagi bilang Gawad Galing Kooperatiba-Medium-Scale Category at Palayan sa Nayon Multi-Purpose Cooperative ng Lungsod ng Malolos na itinanghal na nanalo para sa Large-Scale Category. Kapwa sila tumanggap ng tropeo at P80,000 na perang insentibo.

Bukod dito, kinilala din sina Enrile Germar, tagapangulo ng Kapitbisig sa Pag-unlad Multi-Purpose Cooperative bilang Gawad Galing Coop Leader habang si Jon Louie Santiago, Municipal Cooperative Development Officer ng Marilao bilang Gawad Galing Coop Officer, na parehong tumanggap ng tropeo at P30,000, gayundin binigyang parangal ang Municipal Cooperative Development Council ng Marilao bilang Gawad Galing Coop Council at nag-uwi ng tropeo at P50,000.

Pinarangalan din ng GGK ang Bagong Barrio Multi-Purpose Cooperative, Pandi bilang Gawad Galing Kooperatiba Ginintuang Huwaran.

Ipinagmalaki naman ni Fernando na mapalad ang Bulacan na maging tahanan ng maraming kooperatiba at hinikayat ang mga ito na patuloy na maging inspirasyon sa iba.

“Salamat dahil may mga katulad nyong nagpupunyagi para matulungan ang ating mga kababayan, ang ating lalawigan,” ani Fernando.

Samantala, sinabi naman ni Cooperative Development Authority chairperson Orlando Ravanera na mahalaga ang mga ito dahil nakatutulong ang mga kooperatiba na labanan ang pangunahing kalaban ng bansa sa ngayon, ang kahirapan.

Sa kabilang banda, nagpasalamat naman si Rafael mula sa Palayan Multi-Purpose Cooperative ng Malolos sa patuloy na suporta at pagtitiwala ng pamahalaang panlalawigan sa kanilang kakayahan na nagsisilbi nilang inspirasyon upang higit na pagbutihin ang pagseserbisyo sa kanilang mga miyembro. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleCusi reminds government institutions to settle electricity payables
Next articleSM Bulacan malls celebrate 73rd Anniv of United Nations Day
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here