Home National News Mahuhusay na Bulakenyong mananayaw sa kalye, handa na sa tagisan ng talento...

Mahuhusay na Bulakenyong mananayaw sa kalye, handa na sa tagisan ng talento sa Singkaban Festival

131
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Magsasama-sama ang mga pinakamahuhusay na pangkat mananayaw sa kalye sa Setyembre 19, 2018 upang ipamalas ang kanilang natatanging talento sa pagsayaw habang suot ang makukulay na damit at palamuti sa idaraos na “Indakan sa Kalye”, isa sa mga tampok na aktibidad sa Singkaban Festival 2018.

Ayon sa Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO), nag-organisa ng nasabing gawain, itatampok sa Indakan sa Kalye ang mga lokal na kapistahan, kasaysayan, sining at kultura at mga kaugalian at tradisyon na maglalarawan sa kulturang Pilipino.

Ito ay bukas sa lahat ng mga bayan at lungsod sa lalawigan, na kakatawanin ng mga street dancer mula sa kanilang komunidad, paaralan, at kolehiyo o unibersidad na opisyal na maglalarawan sa kanilang lokal na kapistahan. Labingdalawang pangkat lamang ang maaaring lumahok at ito ay ipatutupad sa pamamagitan ng first-come-first-served basis.

Magsisimula ang street dancing sa Simbahan ng Barsoain sa ganap na ika-1:00 ng hapon na tutuloy sa Bulacan Capitol Gymnasium sa ganap na ika-3:00 ng hapon para sa showdown.

Sinabi ni Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado na ang nasabing taunang patimpalak sa pagsayaw ay hindi lamang isinasagawa upang itanghal ang mayamang kultura at tradisyon ng Bulacan bagkus ay upang makaakit din ng mga lokal at dayuhang turista na makiisa at lasapin ang selebrasyon ng taunang kapistahan.

“Ang Singkaban Festival, bilang ina ng lahat ng kapistahan sa ating lalawigan, ay pagsasama-samahin sa isang palabas ang makukulay na kapistahan ng bawat bayan at lungsod sa Bulacan habang ipinamamalas din ang mayamang kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Ito’y isang aktibidad na hindi lamang nagbibigay saya sa mga Bulakenyo ngunit maging sa mga iba pang mga turista,” ani Alvarado.

Samantala, ayon kay Dr. Eliseo Dela Cruz, pinuno ng PHACTO, mag-uuwi ang tatanghaling kampeon ng tropeo at P100,000 habang makatatanggap ang una at ikalawang karangalang banggit ng tropeo at P70,000 at P40,000 perang insentibo ayon sa pagkakasunud-sunod.

Gayundin, ang pagkakalooban ng special awards tulad ng Best in Costume at Best in Street Dance ay makatatanggap ng P5,000 at tropeo bawat isa at tatlong grupo naman ang mabibigyan ng P10,000 bawat isa at tropeo bilang consolation prize. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBulacan to crown Hari at Reyna ng Singkaban 2018 anew
Next articlePacific typhoon season
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here