Home Showbiz Maine ‘bumabaha’ ang komento sa socmed dahil sa pag-amin kay Arjo

Maine ‘bumabaha’ ang komento sa socmed dahil sa pag-amin kay Arjo

64
0
SHARE

BUMABAHA ng mga komento sa lahat ng social media account dahil sa pag-amin ni Maine Mendoza sa kanyang blog hinggil sa estado ng relasyon nila ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Mahaba ang istoryang sinulat ni Maine sa kanyang blog na ayon sa kanya ay halos mga two years na rin niyang hindi ginagawa.

Bago nag-showbiz si Maine, lagi siyang nagsi-share sa kanyang blog ng mga nangyayari sa kanyang buhay.

Natigil lang ng kunin siya ng Eat Bulaga dahil sa kakaiba niyang talent ang pagda-DubSmash. Binansagan siyang Yaya Dub at itinambal kay Alden Richards kung saan nag-click ang tandem ng dalaga ay nagkaroon ng AlDub Nation. Naging phenomenal kalyeserye ang AlDub and the rest is history.

Nu’ng Sabado ng gabi a day before ng birthday ni Maine, tahasang inamin ng EB host sa kanyang blog, “It’s true I am dating Arjo.

Ani Maine para raw hindi na maghintay ng matagal ang netizens sa tunay na estado ng kanyang lovelife kaya nagbigay na siya ng statement at kumpirmasyon sa kanilang dalawa ni Arjo.

Mahaba ang pagsisiwasalat ni Maine sa kanyang blog. Sinabi rin niyang nakilala na rin daw ni Arjo ang kanyang mga magulang, siblings at mga kaibigan.

First time raw niyang nag-introduce ng guy sa kanyang mga magulang. Sambit pa ni Maine na habang kausap nga raw ni Arjo ang parents ay hindi mapalagay sa kinauupuan ang Kapamilya actor lalo na nang winarningan ng magulang si Arjo.

“He went to our house in Bulacan to personally talk to my parents and tell them that he has nothing but good intentions for their daughter.

“My parents also gave him a warning that they’d kill him if he does something bad to me. Haha!

“I remember him looking so timid as he sat on our couch in front of Teodoro and Mary Ann.”

Hindi rin maitago ni Maine ang kasiyahang sa unang pagkakataon na isang espesyal na tao sa puso niya ang ipinakilala niya sa kanyang mga magulang.

“That was the first time I introduced someone to my parents, so I was hella nervous, too!

Thankful din si Maine dahil naniniwala ang kanyang pamilya na tama ang desisyon na kanyang ginawa.

“I appreciate their efforts to love me and believe that I am making the right decision of making my heart happy this time.”

Alam ni Maine kagagawan ng ibang fans nila ni Alden ang mga nagba-bash at nagti-threaten sa pamilya ni Arjo.

Nakiusap siya sa mga ito na tigilan na ang pagkakalat ng masasakit na salita laban sa actor at sa pamilya.

“It is just sad how some go overboard with what is happening in my personal life. To the point of bombarding him and his family with threats and malicious messages left and right. I know how you feel and I respect you for feeling that way but I believe it will never be right and acceptable to resort to personal attacks to get back at anyone or to relieve your frustration. This applies to everyone, not just Arjo,” pagtatanggol ni Maine sa actor.

“A lot of people close to me have experienced the immense bashing from some ‘fans’ and haters combined, including my family and friends. It has to stop.

“You may not be required to love the people around the person you idolize but I don’t think it’s too much to show them at least some respect,” pagpapatuloy ni Maine sa kanyang blog.

Klinaro rin niyang good friends lang daw sila ni Alden at workmates hanggang ngayon na nasabi na niya noon pang November 2017.

Pinagdiinan ding binanggit ni Maine na wala pa siyang asawa’t anak. At hindi pa nabubuntis, Hindi raw niya alam kung saan nanggagaling ang mga balitang ‘yun.

At sana raw sa ginawa niyang pag-amin sa kanyang blog ay maintinidihan siya ng AlDub Nation na hanggang onscreen lang ang namamagitan sa kanila ng Kapuso actor.

Alam daw niyang maraming masasaktang fans sa kanyang pag-amin sa tunay na nangyayari sa personal na buhay.

“I am sorry if I am hurting you with my truth. I am sorry if the truth is too much to bear. I know how you feel, believe me. I know you invested so much time, effort, and money on us just to show how much you love us and we really do try our best to make you feel that everything you did/do for us is much appreciated and treasured – that we love you dearly and all of you are special to our hearts, too..”

Pahabol pa ni Maine: “Sadly, I cannot stay ay Yaya Dub forever. This is Maine, the real me. And this is real life. And I cannot go on with my life behind a fictional character.”

Sa huli nagbahagi si Maine kung papanong magluto ng special na turon.

Samantala, para sa ikaliligaya ng AlDub fans muling magsasama sina Maine at Alden sa isang programa.

Magiging guest si Alden sa sitcom nina Vic Sotto at Maine na Daddy’s Gurl. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleWillie pinatigil ang isang segment ng ‘Wowowin’
Next articleTom gusto nang magka-anak kay Carla!
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here