Home Showbiz Maine Mendoza sinuspinde ng Eat Bulaga; Aalis na sa noontime show?

Maine Mendoza sinuspinde ng Eat Bulaga; Aalis na sa noontime show?

870
0
SHARE

MARAMI na ang nagtatanong kay Maine Mendoza dahil isang linggo na raw na hindi napapanood ang Dubsmash queen sa noontime show na Eat Bulaga.

May mga nagsasabing suspendido raw ang dalaga dahil sa paglabas niya ng napakahabang open letter para sa AlDub nation, mga fans nila ni Alden Richards.

Nakasaad kasi sa open letter ni Maine ang paglilinaw niya hinggil sa relasyon niya kay Alden at kay Jake Ejercito.

Itinanggi naman ito ni Bossing Vic Sotto. Aniya, wala siyang alam sa suspension ng dalaga. Nagbabakasyon lang daw si Maine.

Hindi raw naman kasi laging nagkikita sa studio dahil nasa labas lagi si Maine. Wala rin daw siya sa posisyon para magsalita at komento hinggil sa isyu ng Dubsmash Queen.

Tungkol naman sa isyung aalis na si Maine sa noontime show, abangan na lang natin kapag nagsalita na ang dalaga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here