Maine Mendoza ‘transparent’ ang pagbibigay ng tulong

0
187

NAKA-RAISE ng mahigit half million pesos si Maine Mendoza sa loob ng halos one week na fund drive sa kanyang “DoNation’ program.

Sa Instagram account ni Maine sinabi niyang nakapagpaabot na sila ng kanyang team ng financial aid sa 587 families.

Makikita ang transparency ng mga binigyan niya ng tulong sa kanyang socmed.

Nakatala sa socmed page niya ang mga tricycle drivers, street vendors, construction workers, etc..

Post pa ng ‘Eat Bulaga’ lady host: “7 days after the launch of DoNation Drive, we have accumulated a total amount of ?587,677.92. We have sent financial support to 587 families for the past 6 days thru GCash.”

Ayon pa sa girlfriend ni Arjo Atayde, “recipients are randomly picked through email, but must admit to be focusing more on professions that are greatly affected by the ‘enhanced community quarantine’.”

Pinasalamatan ng comedienne-actress ang mga nagbigay ng donasyon at aniya bukas pa rin ang ‘DoNation’ account sa mga gusto pang magpa-abot ng kanilang ayuda.

“I would not made it this far if not because of everyone’s help. But it does not stop here, I shall continue sending financial assistance to as many families as I can,” pagtatapos ng tinaguriang Yaya Dub ng Pilipinas. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here